Paalam, salitang pinilit kong iwasan Dahil sa tiyak na sakit na mararamdaman Ayaw itong sambitin ng aking bibig Dahil ang puso ko sayo ay umiibig
Masakit isipin na ikaw'y nagbago na Nawala na ang dating ligaya Pati na rin ang tamis ay limot na Nasaan na ang iyong pagsinta?
Ayaw kong iwan ka Ngunit ano ang aking magagawa? Sikmura ng aking pamilya ay kumakalam na Kailangan ko nang magpaalam muna
Minamahal kita perlas ng Silangan Minamahal kita bayan na aking sinilangan Ngunit kailangan kong magpaalam Para sa mas magandang kinabukasan Kailangan ko munang lumisan Hanggang sa muli, Pilipinas kong sinisinta