“MUNA”

Ang hirap magmahal ng taong di pa tapos magmahal ng iba,

Ang hirap tumagal sa sitwasyon nakabitin, makapigil hininga.

Ang hirap gumalaw, kung sa bawat kibo ang iisipin niya ay pagsasamantala,

Ang hirap bumitaw sa pagkapit sa pag asang baka naman pupwede na?

Binibini, bakit kailangan mo ikulong ang ‘yong sarili?
Sa rehas na gawa ng iba, bakit ayaw mo kumawala?
Binibini, bakit sa apat na sulok na kwarto na naka-kandado, sarili’y iyong itinatago?
Paano ka ililigtas kung ang susi ay naka-pako mismo sa loob ng iyong puso?

Kung minsan ang tulong ay sa’yo magsisimula,
Hawak mo ang pag-asa, bakit sa iba mo iaasa?
Kung tutulungan mo ang ‘yong sarili iyo itong makikita,
Liwanag ang dala-dala, bakit tila ayaw mong sumama?

Puso nati’y pinaparusahan hanggang sa sukdulan,
Pero kung minsan, hindi lang naman tayo ang nahihirapan.
May mga taong handang patunayan, pakitaan, at ikaw ay ipaglaban,
Ba’t ayaw mong pakinggan? Ba’t mo naman pinagtutulakan?

Ang puso mo’y kelangan ng malalim na paghilom,
Pero di mangyayari kung sarili mo’y ikukulong.
Alam ko, tiwala mo’y di na ganun kadali ibigay katulad noon dahil sa sakit ng ‘yong kahapon,
Pahirapan mo, pero hayaan mo, ako na patunayang di lang makikipaglaro.

Di ko naman hinahangad, agad-agad ang puso mo sinta,
Akin lang naman sana, wag mo muna tuluyang isara,

Kung kaibigan lang ang turing, may isa lang akong hiling,
Baka pwede mo dugtungan sa huli ng nag iisang dakilang salita.

Salitang may bitbit na walang humpay na ligaya,
Salitang magpapapalak-pak sa’king tenga.
Salitang dala ay tanggal takot at kaba,
Salitang may apat na letra, nakakatawa, pero hatid saki’y pag-asa,

“Kaibigan lang… MUNA”

Exit mobile version