Mundo ng Sarili

Ako, Ako, Ako

Mundo ng bawat isa ay umiikot sa salitang “ako”.

Ikaw, Siya, Sila

Sa mundong ito, nakalimutan na ang mga kataga.

 

Madaming tao ang namamatay,

Minsan pinipiling magpakamatay,

Dahil wala ng handang makinig,

Sa panaghoy ng ibang tinig.

 

Kanya kanyang salita,

Akala mo nakikinig ang iba,

Mga salitang lumalampas sa tenga

Wala ng ginawa kundi sarili ang maging bida.

 

Madaming pumipili na magpakamatay,

Dahil pakiramdam nila para silang patay,

Kumikilos na tila mauubusan ng hininga,

Mas gugustuhing sa kabaong ay mamahinga.

 

Mundo na puno ng sarili,

Kailan ka maglalaho?

Ilang buhay ang kukunin

Bago makita ang pagbabago nitong mundo.

Exit mobile version