MY HEART WAS BROKEN ON THE FIRST DAY OF OCTOBER

I knew from the start that this day would come. I just didn’t expect it to hurt this much.

Lahat naman tayo may pangarap, hindi ba? Pangarap na bahay, pangarap na kotse, pangarap na kaibigan, pangarap na pamilya. Minsan, PANGARAP NA TAO.

In my case, nangarap ako na sana.. sana isang araw pagmulat ng mga mata niya, makita niya rin ako bilang isang taong mahalaga.

Well, I could say na may halaga naman ako sa kanya. Pero ang tanong ko lang: hanggang kaibigan na lang ba talaga?

Isa yan sa mga tanong na hindi ako takot malaman ang sagot, pero kahit kailan ay hindi ko gugustuhing itanong sa kanya, dahil alam kong alam ko naman talaga ang sagot.

Mahirap tanggapin? OO.

Ayokong paniwalaan? OO.

Kailangan bang lumisan? OO.

Pero sa bawat katanungan ko na ang sagot ay OO, babalik pa rin ako sa nag-iisang tanong na ang sagot ay hindi. Mahal ko ba siya dahil ako ay mahal niya? HINDI.

Mahal ko siya dahil pinili kong mahalin siya.

Ngayong unang araw ng Oktubre, mayroon akong nadiskubre. The one I love finally found the one he’ll forever love.

I won’t be a hypocrite.

I was hurt. I was devastated. I was lost.

Hearing him say, “Mahal ko na siya.” wrecked every piece of my heart.

Sa sobrang sakit, gusto kong umiyak right there and then. Gusto kong sumigaw para ilabas ang nararamdaman at sabihin sa kaniya, “Pwede bang ako na lang?”

But I would be too selfish to speak those words.

My heart could be broken right now, but believe me, seeing him broken would be a worse scenario for me.

Masaya akong makita siyang masaya, kahit pa ang kasiyahan niya ang magiging rason ng kalungkutan ko.

I could make him happy, that I’m very sure of. But could I make him as happy as he is now, because of her? That, I don’t know.

And so, here am I, with a broken heart on this first day of October.

Nasaktan. Nasasaktan. Patuloy na Masasaktan.

Kailangan na bang sumuko?

Kung ang pagsuko ko ay nangangahulugan ng kasiyahan niya, bakit pa ako lalaban?

Exit mobile version