Gaano ka na katagal naghihintay?
Naghihintay sa mga bagay na hindi mo alam kung kailan darating o kung darating pa nga ba
Naghihintay na balang araw ang inipon mong karanasan ay maibahagi na sa iba sapagkat nakamit mo na ang laman ng iyong mga panalangin.
Maka ilang ulit mo na bang sinubukang tumakbo at maghabol para makuha ang iyong mga gusto sa panahong ninanais mo? Na kahit alam mong may proseso ngunit nag babakasali kang baka pweding mapadali ang lahat.
Ilang beses ka na bang nasabihang, “tama na, hindi talaga yan para sayo.” ngunit nagpapatuloy ka dahil sa Kanyang pangako?
Pangakong nagmula sa gumawa ng iyong buhay. Pangakong alam mong kailan may di mapapako.
Ilang beses ka na bang nabigo at bumangon at nagpatuloy dahil alam mong hindi pa ito ang kataposan ng kwento?
Hindi dahil naniniwala ka sa fairytales – “and they lived happily ever after” kundi dahil alam mo na ang buhay na iniaalay sa Diyos ay may magandang patutunguhan.
Hanga ako dedikasyon mo.
Handa ka na.
Handa ka nang ibahagi ang iyong kwento sa iba.
Dahil hindi mo kailangang makamtan muna ang iyong nais bago ka makabahagi ang iyong estorya.
Dahil sa proseso pa lamang ay alam kong marami na itong naituro sa iyo na maaaring kapulotan ng aral ng iba. 😅
Kaibigan,
Habaan mo pa ang iyong pasensya
Dahil hindi minamadali ang mga magagandang bagay.
Magpatuloy ka sa paniniwalang ang mga pangako Niya’y maisasakatuparan.
Hindi man ngayon
Abutin man ng ilang araw, buwan o taon
Masisilayan mo rin ito pagdating ng tamang panahon
Tandaan
Naniniwala ang Diyos sa kakayahan mo.
Maghintay ka lang at gawin ang mga nararapat mong gawin sa ngayon.
Maghintay ng may ginagawa.
Maghintay ng may pagtitiwala.
Maghintay ng may galak sa puso.
Maghintay ng may pag-asa.