Naghost ka na ba? yung tipong ang sweet ninyo sa chat. Consistent ang batian tulad ng “good morning, kain ka na, tulog na ako or etc.” Tas lumalalim rin ang nararamdaman mo para sa kanya, at habang tumatagal nafafall ka na habang nakikilala mo siya. Pero dumating yung panahon, na bigla nalang siya tumigil na ichat ka. Mapapatanong ka nalang sa sarili mo kung anong nangyari? may mali ba sayo? nagsawa na kaya siya? may ba na bang nagpapangiti sa kanya?
Masakit man ighost tayo, pero dapat pasalamatan natin sila kung bakit tayo ghinost at wag nang habulin pa. May rason ang Diyos sa paglayo ng taong iyon sa atin. Inilayo tayo sa posibilidad na masaktan tayo at ng mga taong mahahalaga sa tabi natin. Hindi bali nang ighost tayo kesa palalimin ang isang relasyon na magbibigay lang ng sugat sa atin at hindi naman talaga iyon ang inilaan para sa atin.
Let’s be patient, trust the Lord and be thankful, because God can see something that you cannot see.