Nais ko sumuway Sa’yo.
Nais ko sundin ang mundong eto.
Dahil tila hindi ka nakikinig sa akin.
Pero tuwing maiisip ko eto.
Hindi ko pala kaya gawin
Natatakot ako dahil alam ko hindi maganda ang kapalit Kapag ako ay sumuway Sa’yo.
Mas mabuti pa sumunod,
Sumunod kahit masakit at mahirap.
Dahil alam ko sa huli may mas maganda kakahatungan ang pagsunod ko Sa’yo
Salamat sa bawat araw na gumigising ako.
Para patunayan sakin na sapat ang Iyong biyaya, para mapagtagumpayan ko ang bawat araw
At sa bawat pagluha ko dahil sa sakit alam ko may layunin at plano Ka
Hindi ko man makita sa ngayon at maintindihan Ako’y Magtitiwala lamang Sa’yo