They says that life is very strange. Some says that life is also weird. Marami ding nagsasabi na “love” is mysterious. On the other hand, “love” is a designed masterpiece. Marami nang kanta ang naisulat but then it never measured kung gaanu ka-simple ang definition ng buhay at pag-ibig. Those songs just made everything even more complicated, to the point na hindi na natin alam ang totoong kahulugan nito. So many stories, narratives, and even poems written. But still, it’s a failure. Even greatest poets and musicians failed to rewrite those definitions. All of us failed. Even “Me.”
I choose to believe in miracles. Naniwala akong kaya kong maglakad sa hangin. Naniwala akong kaya kong umakyat sa hagdan without even seeing a staircase. I choose to have faith in life and love because I decided to. Because you let me. Naniwala ako sa bawat pakikidigma nang isang prinsipe sa isang dragon para iligtas ang kanyang prinsesa ay may magandang ending. Naniwala ako na sa bawat magagandang likha ng mga manunulat ay may kalakip na inspirasyon. Naniwala ako na sa bawat magagandang kanta na ginawa ng mga kompositor, ay may taong nasa likod nito. Naniwala ako na sa lahat ng paniniwala ko, ay may isang taong naniniwala din sa akin.
Simula ‘nung nakilala kita, doon ako nag-umpisang maniwala sa himala. Mga bagay na hindi ko naman hiningi at inakala, pero ibinagsak ng langit pababa sa lupa. ‘Yung mga bagay na wala naman sa listahan ko pero pinili ng Diyos na ibigay sa akin. Hindi ko naman hiningi, pero kusang dumating. Lately, I just realized, it’s my own “Prayers” three years ago who leads me to get to you. Hindi ko naman inakala na darating sa’yo ang mga katagang ibinulong ko sa hangin. Malay ko ba na ang direksiyon pala nito ay papunta sa mga tenga mo. I made to believe in Miracles. You made me believe in Miracles. Definitely, you are the miracle I believe thereto.
Naniwala ako sa Himala simula ‘nung nakilala kita. I just found the reason behind every doubts in my heart. Mga tanong na hindi naman dapat tinatanong at hinahanapan ng sagot. Mga sagot na hindi naman dapat na inaalam pa ang tanong. Sometimes, it’s better for all those answers and questions to remain undiscovered. Everyday is a miracle. The moment you wake-up in the morning is the true definition of a miracle. A definition of HIS never-ending love for us. Ang paghuni ng mga ibon. Ang maaliwalas na tunog ng pagdaloy ng tubig sa sapa. Ang pagtubo ng mga halaman sa paligid at ang pamumukadkad ng mga bulaklak sa hardin. This are simple reminders that Miracles happens everyday. You don’t need to have your own definition of it. Just appreciate every little things. Magpasalamat.
“Pero alam mo ba kung bakit tuluyan akong naniwala sa himala? Sa dinami-dami kasi ng listahan ng mga babae na ni-recommend ko sa taas. Ikaw na hindi ko naman nailista ang ipinadala niya ‘nung ang pinto ng bahay ko ay nagbukas.”
Naniwala ako sa himala simula ‘nung nakilala kita. Dahil ikaw mismo ang HIMALA.
Photo Credit: Google in Display
Statvs Manila