NARATING KO YUNG DULO, PERO HINDI NA IKAW YUNG KASAMA KO

Gusto kong magsimula
Sa unang beses na binigyan kita ng babala
Diba sabi ko sayo ayoko munang kumawala
Sa bugso ng damdamin ayokong magpadala

Gusto kong magsimula sa unang beses na tinawagan mo ko
Sa kalagitnaan ng gabi tinanong kita kung anong intensyon mo,
Hawak ang telepono, sinabi mong ika’y namamangha
Sa pagpapalitan ng salita sa magkabilang linya,
Nagpatuloy ang gabi, dumating ang umaga Hanggang sa dapit hapon ika’y matiyaga Sa pagtatanong sakin ng “kumain ka na ba?” at “Ano ang iyong ginagawa?”

Gusto kong magsimula Sa unang beses na inamin mong ang iyong paghanga ay tila nag iba
Narinig kong sinabi mo ang mga katagang “Gusto kita at iba ka sakanila”
Pinaalala ko sayo ang aking babala Diba sabi ko sayo ayoko munang kumawala
Sa bugso ng damdamin ayokong magpadala Pero aaminin ko, nagustuhan rin kita

Mapusok ang damdamin, Marupok ang puso
Di napigilan dahil di ko kontrolado Nahulog ako sayo at agad mong sinalo
Sinabi mo kung gano ka kaseryoso at kung anong mga plano mo
Masaya kong pinakinggan ang iyong mga pangako

Parang wala nang mas sasaya pa kapag dalawa puso ang nag tagpo
Bawas araw ay dumadaan, bawat oras ay humihinto
Biglang nag iba ang ikot ng mundo Pero sandali…
Gusto kong magsimula, bakit nga ba hindi? Simulan na natin to

Gusto kong mag simula…
Mahal gusto kong magsimula pero bakit di pa tayo nagsisimula parang sinimulan mo na sa iba?
Ang sabi ko gusto kong magsimula pero bakit natapos na?
Hindi mo ata ako nadinig Ang sabi ko “simulan na natin to”

Magkaiba yung salitang “tayo” at “kayo” Pero wala akong magagawa
Sa aking mga nakita Dapat pala nung una hindi ako sayo nagbabala
Dapat pala sa sarili ko ako nagsalita
Kaya ngayon, Hindi muna ako kakawala

Sa bugso ng damdamin hindi na ko papadala
Dahil mapusok ang damdamin Marupok ang puso
At oo, hindi ko kontrolado
Kaya magtitiwala nalang ako sa mas nakaka-alam

Sa totoong nagplano at marunong magseryoso
Sakanya na tinutupad ang pangako
At sa huli kapag muli tayong nagtagpo
Sasabihin kong muli sayo na…
“Nakapag-simula ako At kaya ko nang ngumiti dahil narating ko yung dulo.”

Exit mobile version