Sa natapos na taon, aking inalala gaano na nga ba kalayo ang narating ko.
Kung saan na napunta ang sarili ko? Anu na ba ang nagawa ko?
Sa mga tanung isa lang ang sagot. Wala..
Wala ako narating kundi sa apat na sulok ng kwarto ko.
Wala ako napuntahan dahil nanatili ako sa lugar kung saan puro sakit at lungkot ang naranasan ko.
Wala ako nagawa kasi mas pinili ko walang gawin.
Nakalimutan ko panu mahalin at respetuhin ang sarili ko.
Nakalimutan ko mangarap dahil mas pinili ko mangarap para sa iba.
Nakalimutan ko pahalagahan ang sarili ko kasi mas pinili ko pahalagahan ang iba.
Nakalimutan ko mahalin ang sarili ko dahil mas pinili ko mahalin ang iba.
Nakalimutan ko alagaan ang sarili ko dahil mas pinili ko alagaan ang iba.
Sa nagdaan taon, nakalimutan ko hanapin ang sarili ko “Nasaan ka na?”
Sa mga panahon lumipas, wala ako inisip kundi ang iba.
Mga tao na di man lang natanung kung kamusta na nga ba ako?
Mga tao na mas pinili ko kaysa sa aking sarili.
Pinakamasakit na katotohanan, na sa lahat ng ginawa ko wala ni isa ang nagpahalaga,
wala ni isa nagtanung kung “Nasaan na nga ba ako? ”
Sa pagpasok ng taon, tanging hiling ko lang ay ang mahanap ko kung saan ang tamang lugar, oras, at panahon kung saan pwede ko matagpuan ang sarili ko na matagal ko na nakalimutan. Sa bawat panalangin ko sa Ama nawa’y sagutin naman Niya. Kahit matagal handa ako maghintay 🙂
“But blessed is the one who trusts in the Lord,
whose confidence is in him.”Jeremiah 17:7