Nasaktan Din Kami — TOTWA

Sa tuwing may magjowang nagbreak palagi na lang sentro ng atensyon yung INIWAN. Lagi na lang napapansin yung ‘mas mabuting tao’ sa relasyon, yung hindi umalis, yung dahil sa sobrang buti nila sa relasyon e sila yung kawalan. Sabi nga e yung mga TOTGA — The One That Got Away.

‘Makakahanap ka pa ng better sa kanya.’
‘Hindi mo kawalan yun bes.’
‘Kasalanan naman nya yun, huwag ka maguilty.’
‘You did your best for the relationship.’

Paano naman yung UMIWAN? Hindi ba sila nasaktan?

I recently read a story about this. It made me wonder why people always think that the person left behind hurts ‘more’. Have you ever wondered how much pain is inflicted to the one who ‘left’? Dun sa TOTWA — The One That Walked Away?

Not everyone who leaves the relationship first is the one at fault. Sa madaling sabi, hindi porke nang-iwan ka, kasalanan mo. Pero what do people think about TOTWA?

– Cheater yan.
– Nakahanap na ng iba yan.
– Nagsawa na yan.

You see, the world instantly judges the person who left just because he/she left the relationship first. Then all of a sudden, concludes that the person left behind has nothing to do with the reason ng ‘pang-iiwan’.

Yung iniwan ang laging KAWAWA.
Yung iniwan yung laging NASAKTAN.

So anong nangyari dun sa nang-iwan?

Sa kanila napunta yung reputasyon na nagsawa. Nakahanap. Makapal ang mukha. Walang kwenta. Malandi. Name it, narinig na nila yan.

What the people outside the relationship don’t know is that it takes a lot of courage before you finally let go of the person. It takes a lot of strength to finally say goodbye. It takes more than just a day to realize na ‘ayaw mo na’.

The worst feeling? Nasa relasyon pa sila, pero nagmu-move on na.

So bago natin i-console yung naiwanan, isipin muna natin yung lakas ng loob na inipon ng nang-iwan. Isipin natin kung ilang pangako yung inasahan nyang matutupad pero nganga. Isipin natin kung ilang ‘I’m sorry’ na ang tinanggap nya nang paulit-ulit pero wala pa ring nagbago. Isipin natin kung ilang weeks o posibleng months na syang nagmu-move on, kasi emotionally, nauna na pala syang ‘iniwan’. Isipin natin yung pagod nya sa lahat ng effort na binigay nya para lang subukang ma-repair yung relasyong unti-unting nagcocollapse.

Isipin natin na sa bawat iniwan, may isang nang-iwan na posibleng mas nasaktan pa kasi finally, kahit gaano kasakit at kahirap, binitawan na nya yung taong mahal na mahal nya hindi dahil nagsawa na sya, kung hindi dahil hindi na nya maramdaman yung halaga nya.

Sa bawat iniwan ay may nang-iwan.

Sa bawat TOTGA ay may TOTWA.

Exit mobile version