Nawalang plano.

Magtatapos nanaman ang taon pero nandito padin ako nagtatanong. Bakit ako tinamad bumuo at sumulat muli ng aking mga plano.

Uumpisahan ko.
Enero, ang saya ko dahil handa na akong mag sulat muli. Sinulat sa bawat pahina ng planner na aking nabili. Handa na akong planuhin lahat dahil ang munting kwaderno na aking hawak ay ang bubuo sa istoryang sana ay pangmatagalan.

Munting sulatan ng ating mga plano na ang saya saya kong binubuo sa aking munting isipan. Mga petsa na tumatak sa akin na nagawa kong isulat para hindi kailanman malimutan.

Mula sa buwan at araw pati mga oras akin isinusulat. Kung kailan kita unang nakausap, kung kailan mo binago ang takbo ng magulo kong utak. Panahon kung kailan tayo unang nagkita na ikaw ay aking dinayo pa para tampo ay maibsan na.

Araw ang nagdaan ginanahan pa akong magsulat at maglagay ng mga marka, dala ang pag asa na lahat ng pahina ay may maitatala.

Pero wala pa tayo sa gitna, paubos na ang tinta ikaw ay unti unting nawawala. Ikaw ang nagsilbing tinta ng aking panulat kung wala ka paano ako magsusulat? Sa ating mga plano ako ang taga tala sinubukang ayusin pero hanggang dito nalang talaga.

Wala pa tayo sa gitna ngunit wala na akong maisulat pa. Ang ating mga plano ay unti unting nawala. Ikaw ang tinta sa hawak kong panulat, hawak ko lang ang iyong kaha ngunit hindi ang yong utak. Hanggang sa dulo mayroon ka pang nailabas yun ay isang tuldok para sa ating dalawa ay wakasan.

Nag daan ang mga buwan plano ay nag iba, sa ngayon ayoko na sumulat pa. Naka galaw na ako sa aking pagkakaparalisa. Ang ating mga plano ay mananatili na lamang sa libro ng mga alaala. At ikaw? Sana ay masaya kana.

Nagmamahal,
Ang iyong dating taga tala.

By Tin

I love to write about my feelings.

Exit mobile version