Never Go Back To What Broke You

Naisip mo na rin bang bumalik sa ex mo? Kasi namimiss mo sya, kasi hinahanap mo sya? Kasi kahit na sinaktan ka nya, hindi ka parin nadadala at gusto mo parin sya sa buhay mo? Naisip mo na rin bang bumalik sa ex mo simply because you miss the feeling of having a person you can run to, you can talk about your day with? Naisip mo na rin bang bumalik sa ex mo at minsan, gusto mo na talaga syang balikan? Bago ka bumalik think not just once, twice or thrice but a million times about it. Matuto tayo sa mga pagkakamali natin. Remember, if we hold on to the wrong person, we will never see the right love when it arrives. This love is the love that sees through the imperfections. Yung pag-ibig na napapagod pero hindi sumusuko. Yung pag-ibig na masakit, pero worth it.

So before you even go back to your ex,  Here are five things to think about:

The person we thought we love on the first few years of the relationship isn’t the person we will love forever.
Jusko teh, maniwala ka sakin pag sinabi ko sayong yang taong mahal mo ngayon, bukas, makalawa, magbabago yan! Pero hindi dahil lang nagbago sya eh iiwan mo na, o hindi dahil lang may nakita kang hindi mo gusto eh iiwan mo na. Pag nagmahal ka, dapat mahal mo hindi lang pag convenient sayo. Dapat mahal mo hindi lang pag masaya kayo. Pag nagmahal ka, dapat mahal mo din kahit na masakit at mahirap na. Dapat nga, pag ganun, pag mahirap siyang mahalin, mas mahalin mo siya, dahil dun ka kailangan nung partner mo. And you can only do that kung nasa tamang tao ka. Because that is love, love is patient.

Darating at darating sa point na parang pagod na pagod ka na sa partner mo.
Yung mga bagay na minahal mo sa kanya, yun din yung mga bagay na magiging dahilan para iwan mo sya. But you know what? Accepting the fact that you’re tired and that you need space is the bravest, hardest decision you will ever do in a relationship but it will also open doors for improvement. Time and space apart will help you both grow into better human beings. Time and space apart will allow you to learn how to love your partner better. At kapag para talaga kayo sa isa’t isa, kung mahal niyo ang isa’t isa, mahal nyo. Not time nor space can separate you from the fact that you love each other. Kahit anong paglayo ang gawin mo, gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para magkita kayo ulit at hindi na magiwanan. And you can only do that kung nasa tamang tao ka.

Hindi selfish na unahin natin ang sarili natin minsan.
Minsan kasi, sa pagbuo natin sa isang tao, tayo yung unti-unting nasisira. Tayo yung nauubos habang pinupuno natin sila. Wala rin namang masama dun, pero pag nagmahal tayo, mahalin rin natin ang sarili natin. Wag mong itapon ang pangarap mo, para sa pangarap ng taong mahal mo. Instead, build each other up and help each other reach whatever goals you have set individually. Walang battle na madali, pero may mga battles na worth it. Na pagkatapos ng lahat ng sugat, sakit at pait, babangon kayo pareho, mas matatag, mas mahal ang isa’t isa. And you can only do that kung nasa tamang tao ka.

Learn when to leave and when to let go.
Dapat alam mo kung kailan ka bibitaw at kung kailan ka lalaban. The decisions you make now will affect the decisions you need to make in the future so dapat wise ka. Kung kailangan mong bumitaw, bumitaw ka. Sometimes, holding on to something does more damage than letting it go. Kung kailangan mo namang lumaban, aba eh lumaban ka. Kung alam mo sa sarili mong manalo o matalo eh magiging kuntento ka, laban. Hanggat kaya mo, hanggat may patutunguhan. And you can only do that kung nasa tamang tao ka.

Kahit na gano kasakit pa yang pinagdaanan mo, wag kang matatakot magmahal ulit.
Never ever grow tired of giving love a second chance.Wag mong pagdamutan ng pangalawang pagkakataon ang pag-ibig, pero piliin mo kung sinong pagkakatiwalaan mong bumuo ulit sayo. Sana pagisipan mong mabuti, piliin mo yung tama, kasi magagawa mo lang to, kung nasa tamang tao ka.

Remember, never go back to what broke you.
Stop justifying why you’re holding on to the toxicity of a failed relationship.
You deserve better, at alam mo sa sarili mo yan.
Stop wasting your time on the wrong people.
Time heals nothing, unless you move along with it.

Published
Categorized as Move On

By Ellaine

Ellaine is a writer who works as a creative director in the recruitment industry. She loves to sleep, eat, drink and travel.

Exit mobile version