Okay Lang Ako

Okay lang ako, kahit na alam kong may iba ka
Okay lang ako, kahit na nagmumukha akong tanga
Okay lang ako, kahit na hindi ako ang palagi mong kasama
Okay lang ako, kahit na hindi ako ang iyong inuuna.

Okay lang ako, kahit inaaway mo ako ng walang dahilan
Okay lang ako, kahit madalas mo akong saktan
Okay lang ako, kahit na ako’y iyong pinaglalaruan
Okay lang ako, kahit ako’y iyong pilit ipagtulakan.

Okay lang ako, kahit ako’y iyong tuluyang iniwan
Okay lang ako, kahit tuwing gabi ako’y luhaan
Okay lang ako, kahit nabalot ng dilim ang aking mundo ng ako’y iniwan
Okay lang ako, kahit iniwan mong sugatan.

Okay lang ako, dahil masasabi ko sa sarili ko na hindi ako nagkulang
Okay lang ako, dahil inibig kita ng walang pag-aalinlangan
Okay lang ako, dahil alam kong napasaya kita kahit sa maikling panahon lamang
Kaya ngayong masaya ka na sa piling ng iba masasabi kong “Okay lang Ako.”

Published
Categorized as Poetry

By Reymart

Artistic lovable man😌👌

Exit mobile version