ONE GREAT LESSON FROM THE MAN WHO IS ELEVEN YEARS SINGLE

Kanina, habang nanonood ng isang video tungkol sa isang babaeng nabroken-hearted ng isang lalake ay narinig ko ang isang advice ng isang lalake that really makes sense to me. And it’s very simple advice yet so profound and powerful.

Medyo nakarelate ako sa advice na yun. Ngunit bago ko ibigay ang piece of advice na ito ay magkukuwento muna ako ng aking naranasang FAILED LOVE STORY.

This story started back then in 2007. That’s September 24 2007 noong kauna-unahang nagbreak kami ng kauna-unahan kong girlfriend (na hindi pa rin nasusundan pa hanggang sa ngayon), hindi naman ganun kasakit ang paghihiwalay namin noon, pinagsawalang kibot ko lang nag nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay madami pang iibig sa akin hanggang sa…

FAILED LOVE STORY NUMBER ONE

Back then October 04 2007 ay nakita kong muli ang nakasama ko sa isang Christian Camp (itago natin sya sa pangalang Yrma). Si Yrma ay ang aking ultimate crush noon sa camp noong April 2007 sa Antipolo. Matangkad, sexy (sa aking mga mata), at napakaganda. Tipong pang Binibining Pilipinas ang kanyang datingan. Napakatalino din. Beauty and brains.

Naging magkaibigan kami ni Yrma. Text ako ng text sa kanya halos araw-araw. Naalala ko pa nga noong tinawagan nya ako noong November 2007 which is ang una at huling tawag na natanggap ko sa kanya. Hanggang sa inamin ko sa kanya ang nararamdaman kong pag-ibig sa kanya.

Noong mga panahon na iyon ay mga bata pa kami at nag-aaral. We’re both college students sa mgakaibang school. Kaya naman nasabi ko sa kanya ang mga salitang “maghihintay ako.” Sinagot nya naman ako ng “ikaw ang bahala, pero huwag kang umasa na magkakatuluyan tayong dalawa.” And the deal was on.

Nanghintay ako ng more than 4 years. Noong nakapagtapos na kami ng pag-aaral ay nanligaw ako sa kanya ng almost a year ngunit binasted nya ako dahil sa mas pinili niya yung iniibig nya na naging katrabaho nya noon as service crew sa isang sa mga sikat na fastfood chain sa ating bansa.

That was a very painful moment for me. I’ve cried so many nights that it leads me to file a like emergency leave sa pinagtatrabahuhan ko noon ng isang BPO company. Nagsimula na lang akong mag-move on noong nalaman kong nabuntis na siya ng kanyang boyfriend. It took me almost one and a half year to move-on.

FAILED LOVE STORY NUMBER TWO

Nang ako ay makamove-on na kay Yrma, biglang dumating sa buhay ko ang isa sa mga pinakacute na babaeng nakilala ko (itago natin sa pangalang Cookie). Si Cookie ay katrabaho ko dati sa isang BPO company na lagi kong inaasar, at binabanatan ng mga bago kong imbensyon na pick-uplines. Hanggang sa naging friends kami dahil sa isang cover photo nya sa Facebook. That was July 22 2014. We chat madalas, hanggang sa sinasabayan ko na siya pauwi, eventhough minsan sinasadya ko lang pumunta sa opisina kahit off ko para lang maihatid siya sa sakayan ng UV Express. Hanggang inamin ko sa kanya na nagugustuhan ko na siya. Binasted niya kaagad ako noon. But I persist, hanggang sa muntikan ng maging kami hanggang sa…

Nangyari na ang hindi ko inaasahang pangyayari.

Binasted nya ako ng walang malinaw na dahilan. Yung akala mong mapapasabi kang “sa wakas magkakagirlfriend na ako ulit” ay bigla na lang nawala ng parang bula. Iniwan nya ako sa terminal ng UV Express na napahiya at tulala.

Honestly that moment affected by very much. As in psychologically. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali? Iniwan ka na lang sa ere. AKALA MO LOVE IS IN THE AIR, YUN PALA AY LOVE INIWAN SA AIR. Napaisip tuloy ako na ang mga babae ay mapaglaro. Ang pinakamasaklap pa sa lahat ay pinagkalat niya sa ibang tao na AKO AY ISANG DAKILANG STALKER. Nasaktan ako lalo ng husto. Kaya naman sinubukan ko na ang munting pinagbabawal na teknik.

THE MORE ENTRIES, THE MORE CHANCES OF WINNING. FAILED LOVE STORIES PA MORE

Nahumaling ako sa kagandahan ng mga kababaihan. Kaya naman naging madami ang mga hinahangaan kong mga babae (mga Krases [crushes] ba). Lahat ng babae sa aking mga mata ay de numero na. Sinubukan kong diskartehan ang iba sa mga krases ko. Gaya ni Kras #9, kung saan binasted nya, MATAAS daw ANG STANDARDS nya pero pinagpalit ako sa isang lalake na tingin ko di pasok sa standards nya na “MATAAS.” Si Kras #6 naman ay hindi ko pa dinidiskartehan pero tablado na kaagad nung malaman nya na hinahangaan ko siya. FRIENDS LANG DAW ANG MAI-OOFFER NYA SA AKIN, pero binlock nya ako sa Facebook. FRIENDS PALA HA!

Sinubukan ko ding yayaing kumain sa labas yung kauna-unahan kong elementary crush pero she rejected me when she said “BUSY AKO” for three times. Girls, huwag magkaila, ang pagsasabi ng mga salitang BUSY AKO ay pahiwatig na hindi nyo bet si boylet. Uhuh!

Tinry ko ding makipag friendly date sa isa sa mga medical professional na nag-aassist sa akin. Crush ko kasi siya e. Pero di kami natuloy kasi “MAY BOYFRIEND DAW SIYA” pero sabi ng iba nyang kasama wala naman daw.

Sinubukan ko na ding manligaw ng isang single mom na may tatlong anak this January 05 2019 pero binasted nya ako ako may sinagot na siyang ibang lalake.

Sinubukan ko din ang mga Dating Apps. The more entries na ka-chat na mga girls, the more chances of winning. Pero wala ding nangyari.

Yung iba ko namang mga friends ay nirereto ako sa ibang mga babae. Yung iba nagiging friends ko naman pero wala pa din talagang epekto.

THERE IS VOID IN MY HEART

Honestly, sa tuwing naiisip ko na 11 years na akong single. Yes you read it right. I’M ELEVEN YEARS SINGLE!” Nalulungkot ako. Napapa-isip ako. Hindi ba ako kaibig-ibig? Pangit ba ako? Masama ba ang ugali ko? Saan ako nagkulang? Sana madaling masagot ang mga katanungan na ito ngunit hindi. Feeling ko na ang pag-ibig lamang ng isang babae ang makakakumpleto sa puso ko pero hindi pala.

SEEK LOVE TO THE ONE WHO IS LOVE

Trust God’s love. You know, sometimes you do not understand God’s plan for you. I know the feeling. You want to be love. You want to love. You want to give that overflowing love but no one is accepting. Tapos yung sasagutin lang ng babaeng iniirog mo ay lolokohin lamang sila. Tipong ikaw na Good Boy ay pinagpalit sa Bad Boy. Saklap hindi ba?

Seek His unconditional love. I know na baka ang iba sa inyo dyan ay humihingi ng verbal sign sa ating Panginoon kung bakit mo pinagdadaanan ang heartache ng puso na meron ka ngayon. Hindi mo maiintindihan ang mga nangyayari sa ngayon. You know, IF YOU DON’T UNDERSTAND, WHEN YOU DON’T SEE HIS PLAN, WHEN YOU CAN’T TRACE HIS HAND, TRUST HIS HEART. Ibigay muna natn ang overflowing na pag-ibig na yan sa Panginoon. Susuklian niya ito ng napakagandang regalo.

HETO NA ANG WORDS OF WISDOM

Sa loob ng pagiging single for eleven years. Ito ang isa sa mga natutunan ko sa buhay pag-ibig…

ANG PAG-IBIG ANG MAGHIHILOM SA SUGAT NG HULING PAG-IBIG. At kung masaktan kang muli ng bagong pag-ibig ay huwag mapagod o mahapo. Magpatuloy lang na umibig. Dahil ang bunga ng tunay na pag-ibig kapag ito ay dumating na ay napakatamis na walang katumbas.

Huwag kang tumigil na umibig at umasa sa tunay na pag-ibig. Mayroong forever. Lalo na sa piling ng Panginoon. Gaya ng ating Panginoon. Nirereject natin ang overflowing love niya ngunit nasuklian ang kanyang pag-big na binibigay sa atin ng tanggapin natin siya na maging ating Panginoon na taga-pagligtas.

Magpatuloy kang umibig na walang kapalit. Kahit hindi ka suklian ng maganda ay ituloy mo lang yan kapatid. Masakit sa pakiramdam na hindi ka ina-appreciate ng minamahal mo pero ganun ang tunay na pag-ibig, walang hinihinging kapalit. Bigay lang ng bigay. Darating din ang araw na masusuklian din ang pag-ibig mong tinanggihan ng maraming beses.

Sa aking pagtatapos, let me live you this another message:

SA PAG-IBIG LAGING MAYROONG REJECTION. Si Jesus nga Perfect na pero nirereject pa din. Tayo pa kayang nilikha lang mula sa alabok.

UMIBIG NG WALANG HUMPAY. God bless.

Exit mobile version