Mahal,
Hinatid pa kita noong paalis ka na. Sabi mo ilang buwan lang naman at tayo ay muling magkakasama. Kailangan maintindihan ko ang sitwasyon dahil trabaho mo ito. Hindi ako dapat magduda kasi sabi mo mahal na mahal mo ako.
Bago ka umalis, lubos pa ang ating kasiyahan. Gumagawa pa tayo ng mga alala na ating panghahawakan. Naalala mo pa ba ang mga sandali na ating pinagsaluhan? Itinupad pa natin ang lahat mga lakad na atin pinagplanuhan.
Sa palagay ko, masaya naman tayo. Sa palagay ko, nagkakaintindihan naman tayo. Ah, baka yun lamang sa palagay ko.
Hindi ko naintindihan kung bakit bigla nalang nanlamig ang lahat. Iniisip ko kung madami lang ka lang talagang ginagawa sa trabaho kaya hindi mo na ako makausap ng sapat. Hanggang sa isang gabi, sa isang mensahe, sinagot mo lahat ng aking mga katanungan. Sinabi mo na biglang naglaho na ang itong nararamdaman ng ganoon na lamang.
Hindi ka na pala masaya. Pinipilit mo nalang palang dagdagan ang mga alala. Hindi mo lang pala ako iniwan para sa trabaho. Iiwan mo pala ako para hanapin ang kasiyahan mo.
Hindi ko inakala na magagawa mo sa akin ito. Yung tawagin mo akong “mahal” kahit hindi naman totoo. Kaya mo palang ipakita na ikaw ay masaya, kahit na ang nararamdaman mo ay naglaho na. Sana sinabi mo nalang sa harapan ko. Sana sinabi mo nalang na hindi na pala ako ang kasiyahan mo.
Makalipas ang tatlong buwan, aking napag-alaman na may iba ka na pala. Mukha naman kayong masaya na dalawa. Minsan tintatanong ko sa sarili ko kung ano bang naging mali sa ating dalawa. Kung kaya’t ang ating mga pinagsamahan ay hindi mo na naaalala.
Wala man lang bang kahit kaunting bigat sa iyong puso? Kaya ganoon mo kabilis natanggap na wala na ako sa iyong mundo. Ganoon lang ba ako kabilis palitan? Wala ba talagang halaga para sa iyo ang ating mga pinagsamahan ?
Sa ngayon, pinagdadasal ko pa rin ang paghilom ng mga sugat na iniwan mo. Ipagdadasal pa rin kita kahit na hindi na ako. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan ng walang sapat ng dahilan. Kaya ipagdadasal ko na sana ang nararamdaman mo para sa kaniya ay hindi rin mawala ng ganun ganun na lamang.
Paalam.