Para sa iyo, nang dumating ka sa buhay ko,
Salamat sa halos isang buwan na pinasaya mo ako, kahit hindi mo alam. That in this life, na halos sukuan ko na salamat binigyan mo ng kulay. Bago ka dumating sabi ko na ayaw ko na (magmahal ulit, tatanggapin ko na sana na walang darating). Habang naguusap tayo noon sa unang lugar at huli na nga kahapon, ay nakita, napagmasdan ko sa mga mata mo iyong mundong pinangarap ko (Una si Lord, pangalawa lang ako). Alam ko, umasa ako na maging ‘you are the reason’ ng mundo na iyon. Hinangad ko habang nakikinig at nakatitig sa iyo nasabi ko sa sarili ko, “Dahan-dahan baka masakit na alaala na naman ito”. Alam ko naman ‘hindi tayo pwede’, kasi alam ko meron ka pang hinihintay. Sinubukan ko itigil pero sabi ko if hindi ito totoo mawawala din ito. Buntong hininga, hanggang narealize ko baka mas masakit kung hindi ko susubukan, kung binalewala ko lang ito. Marahil, mawawala din siguro, masakit oo pero atleast worth it ka. Worth it ka para masaktan ako.
Siguro ok na din na hindi tayo natuloy sa mga balak natin (hindi ba sabi mo sasamahan mo ako), kasi gusto ko kapag nangyari iyon, alam mo na, pareho na tayo. Kung hindi man baka solo flight ko na lang siyang gagawin habang nasa alaala kita at iisipin ko nalang ang dating tayo. Hayaan mo gagawin ko makabuluhan ang masakit na nararamdaman ko ngayon, na halos tumutulo lang mga luha ko. Habang nakikita kita sa alaala ko, kasabay ng unang ulan ng gabing iyon, yaong narinig ko mula sa iyo, ‘Binibini isayaw mo ako sa ulan’. Hindi kita pipilitin, wala akong balak na ipagsiksikan ang sarili ko kahit kanino. Hangad ko lang ang kaligayahan mo, habang buhay!
Ngunit, subalit, datapwat bumalik ka at pahintulutan ng Diyos, of heaven and earth na tayong dalawa, isa lang ipapangako ko – ipaglalaban ko maging totoong masaya ka, na walang pagsisisi at sasamahan kita hanggang sa huli. Andito lang ako, alam mo kung saan ako hahanapin. Patuloy kong aabangan ang mga susunod na ulan at sasabay ako sa iyo.
Paalam, at dahil I’m not too good at goodbyes, kaya hanggang sa muli…
*White na din fav ko 🙂