PAANO MO NASABI?
Paano mo nasabi na mapagkakatiwalaan ka, kung ngayong nag-iisa ka palang ay nandaraya kana?
Ulet. Wait lang. Teka lang, bubwelo lang.
.
.
Ayan. Eto na.
May kasabihan tayo na kung hindi ka mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay? Paano ka mapagkakatiwalaan sa malaking bagay? Ganun din naman, kung napagkakatiwalaan ka sa maliit na bagay, di nakakatakot na pagkatiwalaan ka ng malaking bagay? (Parang parehas lang naman?) Pero that’s biblical, Luke 16:10.
Ayun na nga tayo? Ang sarap pagkatiwalaan ng taong maingat, tama ba? Yung taong alam mo na hindi masasayang o masisira yung bagay na iniingatan mo kapag pinagkatiwala mo sa kanya.
Kaya ang tanong? Mapagkakatiwalaan ka nga ba? Okay, game! Umaasa ka na balang araw, makuha mo ang matamis na oo ng babaeng hinahangad mo (sabihin na nating, ipinapanalangin mo narin). Umaasa ka na makakatuluyan mo yung lalaking pinapangarap mo.
Ang tanong? Handa ka na ba? Karapat-dapat kanaba? Hindi nga? Paano mo nasabe?
Paano mo nasabi, kung ngayon palang na ikaw ay “single,” ginagawa mo na sa iba yung mga bagay na para kay “the one” lamang?
Paano mo nasabi na ikaw ay tapat na naghihintay, kung habang ikaw ay naghihintay ‘kuno’, ikaw ay sumasideline? Ehem! Iba ang naghihintay sa tamang paghihintay. Oo, “hindi mo makikita sa sariling pangangatawan ng tao, o sa mukha ng tao” ( tama sya, hehe). Kaya, doon tayo sa checking of the behavior nya?
Bakit nya? Mo nalang? Ay ko nalang. Dito tayo sa checking of the behavior natin.
Paano natin masasabi na talagang ikaw o siya ay naghihintay? Paano natin masasabi na ikaw o siya ay pasok sa banga?
Ang tanong and the question is, yun bang ginagawa mo ngayon habang ikaw ay single pa, kung sakaling malalaman o makikita ni future mate mo, ika-kaproud nya ba?
Yung way mo ba kung paano ka makipag-usap sa ibang babae o lalaki, kapag nalaman o nakita nya, ikakasecure ba ng puso nya?
Yun bang mga nakakasama mo ngayon o ka-quality time mo at kasama sa mga lakad mo, pag nalaman o nakita nya, hindi magca-cause para ma-break yung heart nya?
Yung mga bagay ba na special at itinatangi mo para kay ‘the one’ ay hindi mo ginagawa sa iba, dahil nirereserve mo lamang ito para sa kanya?
Ano? Sagot! Sabi ni Daniel Padilla. XD
Kamusta ang mga galawan natin iho, iha?
Kung ngayon pa lang na tayo ay mag-isa, di na tayo mapagkatiwalaan, paano nalamang pag nakita na natin si “ideal one” at itinakda na para kayo ay magkita at magkakilala. Yung bang mga ginagawa mo ngayon ay maibibida mo sa kanya?
Masasabi mo ba na:
“Yes, oo nagtiis ako, at talagang tapat na naghintay sayo.”
“Nope, wala akong ibang sinabihan ng ‘ganito/ganyan’, sa’yo ko lang sinasabi o ginagawa ang mga ganitong bagay”
“True, special ka, kaya hinintay ko talaga ang oras na ito, na ikaw ang makasama ko sa ganitong lugar o gawin ang mga ganitong bagay. Tiniis ko ito, at wala akong ibang inabalang tao, dahil lamang sa nalulungkot ako….dahil wala ka pa at wala pang tayo.”
Okay! Do you know what I’m saying? (*Jericho Arceo’s tone)
Ayun na nga? Check ba tayo jan? O dapat ng pindutan ng buzzer para mapagsarahan ng pintuan?
Paano nalamang kung habang ganyan ang pinagagawa mo ngayon, tapos sya, ingat na ingat sa puso nya, sa kilos nya at sa pananalita nya, dahil lahat ng sweetness at pagke-care na nasa kakaibang level, talagang nireserve nya para sa iyo, tapos ikaw, pagganyan-ganyan lang??? Patuloy na nagpapa-fall at nagtrial and error or nagrereserve? (Hays, wait hinga lang ako. XD)
.
.
Okay, balik tayo? So, pano mo nga nasabi? Kaya ka din ba nagsisinungaling dahil nasasaktan kana? (Ganyan ang sabi nya XD)
Okay, masakit. Aray! Oo, dang sakit! Pero diba ang tunay na pagmamahal, nagsasabi ng totoo, nagtitiis sa tama at dapat, kahit pa sya ay masaktan? Naghihintay at lumalaban? Bakit? Dahil alam nyang worth it.
Kaya, ngayon palang isang malaking tanong: PAANO MO NASABI? (O diba, malaki, capslock)
Isipin mo nalang na may lumalaban dun sa kabilang dulo, naghihintay ng tapat, nagtitiis sa mga bagay na alam nyang hindi pa para sa tamang panahon, at naghihintay sa tamang tao na paglalaanan nya ng tamang atensyon at pagkalinga. SANA ALL, sana ikaw din ganun? Sana ikaw din tapat, may nakakakita man o wala. Sana oo, kasi sa Diyos ka nagtitiwala.
Sana di ka takot. Sana ilaban mo yung tama, at maging matapang kang isuko yung mga mali mo na ginagawa.
Sana sa susunod na tanong kung PAANO MO NASABI?
Sana puno ka na ng kumpyansa, na habang naghihintay ka, yung mga ginagawa mo ngayon, pag nakita o nalaman nya, ikagagalak ng puso nya at hindi ikaluluha. Na sana, kahit habang di pa kayo magkakilala o magkakilanlan ngayon, kung sakaling makita ka nya at malaman nya ang mga pinagkakaabalahan mo, ipagtanong man nya sa ibang tao, hindi sya mapapahiya.
SANA, maging dahilan ito para mas maging masigasig sya na ipanalangin ka pa at hingin ka kay Bathala.
Sana sa muling paglitaw ng tanong na PAANO? Ang masabi nalang ay:
“Paano nalang ako, kung hindi ako naghintay ng tama, edi hindi kita makukuha? Paano nalang kung di ka sa akin ibinigay ni Bathala? Buti nalang naghintay ako ng tapat at tama.”
Then you can finally say, with confidence ha:
“Yes, i’m glad, I’ve waited.” (successful line ni Ptra. Jaimey Keeneth, if you know her)
Then again, leaving this question to you? Paano mo nasabi, na worth it ang laban?
Sabi nga sa kanta ni Quest na Kalawakan…
“Minsan lang mangyayari sa buhay
Mahanap mo yung pag-ibig na tunay
Gagawin ang lahat
Magiging tapat
Pag-iigihan mo para walang katapat”
Yun yon! Kaya ngayon palang na mag-isa ka, pag-igihan mo na, wag ka mag-alala, walang talo, walang sayang, wala pang tao na nalugi dahil nagtiwala sa Kanya.