Pag-ibig na di sapat at di karapat-dapat

“Parehas tayo ng nararamdaman, ang pinagkaiba lang, malakas ka.”
Ito ang sinabi mo n’ong lumisan ka at pinili mong di lumaban.

Ilang beses kong inisip kung paano mo nasabi?
Paano mo nasabing ako’y malakas at ika’y mahina?
Dahil ang totoo, mahina ako.
Sa mga katanungan mo, panay sagot ko ay  “Oo, Okay lang ako.”
Iyong mukhang to? Iyong ngiti na to? Lahat nun may nakatagong dilim.
Dilim na hindi ko alam kung saan galing o ano nga ba ang dahilan
Oo, may tayo pero di ako masaya
Hindi ako nag-iisa pero pinipili mong iparamdam sa’kin na ako’y nag-iisa.
Sa tingin mo’y malakas ako.
Ang totoo? Naglakas-lakasan lang. Nagtapang-tapangan lang.
Sa lakas ko, kaya kong itago lahat ng luha sa mga mata ko
Sa tapang ko, kaya kong ipaglaban ang meron tayo kahit alam kong sa’yo may nagbago.
Kaya kong itago lahat ng sakit, ang malalim na lungkot at pagtataka
Dahil mabuting tao ka sa aking pagkakilala.

Hindi ka nag-iisa pero pinipili mong mag-isa.
Hinayaan mong balutin ka ng dilim
at mahulog sa butas na malalim at hirap ng maka-ahon
Nahihirapan na dahil nahihiyang ka.
Sinubukan ko’ng magpakatanga para ipaglaban ang tayo
Sinubukan ko’ng lumaban kahit ako’y nasasaktan
Pero mas pinili mo ang bumitaw
Ang bilis mo namang sumuko
Ang bilis mo namang nagpatalo
Minahal mo ba talaga ako?
Dahil ako? Oo
Ang dali mong sabihin na pareho.
Na mahal mo ako pero may PERO
Ayaw mo akong makitang nahihirapan
D mo lang inisip na ang pagbitaw mo, hirap na hirap na ako.

Ang sakit!
Iyong minahal ka pero di ka kayang ipaglaban
Iyong minahal ka pero kaya kang bitawan
Iyong minahal ka pero di ka pinahalagahan
Iyong minahal ka pero ginawang basahan
Iyong minahal ka pero sinasaktan ka lang
Iyong minahal ka pero kaya kang iwan.

Mahal kita.
Mahal kita.
Makinig ka.
Mahal kita kaya pinapalaya na kita.
Tapos na ang pagkukunwari mong malakas ka.
Kaya umiyak ka lang ng umiyak.
Masasanay ka din hangga’t ni isang luha wala ng papatak.

Exit mobile version