Saka na ako SUSUGAL pag totoo na ang lahat
SUSUGAL sa kung anong meron tayo
Saka na ako TATAYA pag totoo na ang lahat
TATAYA sa pag asa na meron ako
Saka na ako PUPUSTA pag totoo na ang lahat
PUPUSTA sa nararamdaman mo
Titingin sa mga nakapaligid
Makikinig ng mga kwento
Makikiramdam sa mga hangin
Ibubulong ang dalangin sa itaas
Panghahawakan ang pangako
Saka na ako BABAKAS pag totoo na ang lahat
BABAKAS sa malungkot mong alaala
Saka na ako sa KARA – KRUS pag totoo na ang lahat
KRUS muna ako ngayon, KRUSang mag aantay
Tsaka na ko sa KARA, pag may KARApatan na
Saka na ako KALAHATI – BUO pag totoo na ang lahat
KALAHATI muna sa ngayon, tig KALAHATI sa pagbuo ng pangarap
Saka na ako sa BUO, pag buong BUO na ang tiwala mo
Saka na ako TODO PATI PATO pag totoo na ang lahat
Saka na ako sa TODO, iingatan kita ng TODO
Saka na ako sa PATI, PATI buhay ko iaalay ko
Saka na ako sa PATO, PATOtunayan ko
Saka na ako
Saka na ako Tatayo lalapit sayo
Saka na ako Lalakad papunta sayo
Saka na ako Luluhod sa harapan mo
Saka na ako Hihingin ang kamay mo
Saka na ako Pag pwede na ang lahat
Pag ayos na ang lahat
Saka na
Saka na
Saka na
Pagtotoo na ang lahat