Pagbabalik sa Unang Pag-ibig, Jesus

Nagkamali ako.

Nagkamali ako sa bagay na buong lakas kong pinaglalaban. Sa prinsipyong matagal kong pinanghahawakan.

Tandang tanda ko ang bawat linya na palagi kong binabanggit..

“Maghihintay ako sa tamang panahon”
“Hindi ako mageentertain ng mga lalaki”
“I will not settle for less”
“Maglilingkod ako sa Diyos habang single ako”

Pero isang araw, may isang tao na sumira ng pader na kay tagal kong binuo. Na kahit anong gawin ko, parang gugustuhin ko na rin na bumigay.

Oo, desisyon ko na mag-give in sakanya.

Nagsimula sa pagreply sa mga chat at text niya tuwing gabi hanggang sa sumuko na ang puso.
Nagbigay ng oras.
Naglaan ng lakas.
Nagtago sa karamihan.
Gumastos ng pera.
Sinantabi ang prinsipyo.
At higit sa lahat, pinuyat ng husto.

Kasabay ng masaya at masarap na pakiramdam ng isang umiibig ay kasabay rin ng pagkawala ng apoy ko na maglingkod sa Diyos. Ang mga dating gawain na mahal na mahal mong gawin, ay bigla ka na lang nawalan ng gana.

Pinagpalit ko ang kilig sa purpose ko.

At ngayon nagsisisi ako…

Paano ko nagawang ipagpalit ang mga panahon ko para magbasa ng salita Niya kapalit ng mga salitang mapanlinlang?
Paano ko nagawang takpan ang aking tenga sa boses Niya para mapakinggan ang mga mensahe niyang puno ng kasinungalingan?
Paano ko nagawang magsinungaling sa Kanya at sa leader ko na sa una pa lang ang hangad lamang ay mapunta ako sa tamang tao?
Paano ko nagawang ipagpalit ang relasyon ko sa Diyos na hindi natatapos sa relasyong malabo at walang patutunguhan?
Paano ko nagawang ipagpalit ang Diyos na namatay sa krus kapalit ko, sa taong walang ginawa kundi saktan ako?

Ngunit sa kabila ng lahat ng maling desisyon at kasalanan na nagawa ko, PINATAWAD Niya ako sa pag una sa maling pag-ibig, TINANGGAP muli ang pusong puno ng sakit, BINUO muli ng Kanyang pagibig, at MINAHAL pa ng higit.

Kaya ngayong taon, ay taon ko.

Ngayong taon ay taon mo rin, kapatid!

Punasan na ang luha mula sa mga gabing iniyak mo dahil sa kanya.
Wag ka ng malungkot dahil babalik ka na sa tunay na nagmamahal sayo.
Tandaan mo, nagkamali ka ngunit hindi ka biguan.

Ang iyong halaga ay kailanman hindi masusukat ng mga rosas at tsokolate na natanggap mo,
O mga lalaking nahuhumaling sayo

Ang halaga mo ay matatagpuan mo lamang kay Hesus.

Hindi ka option!
Hindi ka rebound!
Walang kulang sayo!
Walang mali sayo!

Ikaw ay isang Prinsesa
Pinaghihirapan ka. Nililigawan ka. Dinadaan ka sa tamang proseso.

Kaya bumangon ka na!

Oras na para bumalik sa una mong pagibig.
Oras na para bumalik kay Jesus.

Exit mobile version