“Cherry Plum at Sugar Plum”
Matamis mang pakinggan, pero mapait ang pinagdaanan.
Hindi ko alam paano at saan sisimulan ang isang bagay na hindi ko naman alam kung ano ang pinagmulan.
Nagsimula sa isang simpleng pagkakaibigan na nauwi sa landi landian, Oo landian mang maituturing pero wala akong kasing saya sa iyong piling.
Dumating ka sa buhay ko at ikay tinanggap ko. Naging bahagi kana ng sistema ko sa pang araw araw. Dinadamayan mo ako pag kailangan ko ng kadamay at ganon din ako sayo. Pinakilala mo sakin ang mundo at ikaw ang naging mundo ko. Alam kong walang patutunguhan pero tila wala akong pakialam.
Pagkakaibigan na binigyan ng kahulugan, pagkakaibigan na nauwi sa isang pusong sugatan.
Aminado ako sobrang naging masaya ako sayo, dumating ako sa punto na ibinuhos ko na ang lahat sayo. Kinalimutan ang mundong ginagalawan para sa isang mundong di mo naman alam kung ano ang kahahantungan. Pinaramdam mo sakin kung paano maging masaya sa bawat araw na ikaw ay kausap, pakiramdam ko akoy nasa ulap. Ilang taon tayong ganito, tawa doon tawa dito. Kaligayahang di mapapantayan.
Dinala mo ako sa mga lugar na ni minsan ay di ko inakalang mapupuntahan ko pa, mga lugar na nagiwan sakin ng magagandang alaala kasama ka. Akala ko looking forward kapa kasama ako, pero bakit nagkaganito? Bakit biglang nagbago? Bakit biglang pinagsawaan mo ako? Nasaan na yung bagay na iyong pinangako?
Aminado ako na umabot ako sa punto ng buhay ko na galit na ako sa mundo at ayaw ko na. Naging negatibo ako sa mga bagay bagay pero dahil sayo napawi lahat ng hinanakit ko. Naging sandalan kita sa mga panahong kailangan kita, ikaw ang aking naging pagasa. Pero bakit ganito? Anong nangyari? Alam kong akoy merong mga pagkakamali, pero bakit? Bakit hindi ka kumapit?
Nakakalungkot lang na dito tayo magtatapos at sumuko kana, nakakalungkot lang isipin na nagsawa kana. Pero sa kabila ng lahat, akoy umaasa parin na sanay dumating yung panahon na akoy kailanganin mo at maalala mo na andito parin ako para sayo.