Tahan na aking sambit sa sarili
Lilisan ako at di na lilingon ulit
Di na ko mangangamusta at
pipiliting manatili
Sapat na ang dalawang taon na andyan
ako sa tabi mo
at nagpabalik-balik
Ayoko na magbakasakali sa pagmamahal
na ikaw mismo ang di nagbahagi
Ayoko ng umasa sa mga pangako mo na
di mo na ako sasaktan muli
Sapagkat sa haba haba
ng pinagdaanan ko na kasama ka
ay tila ba ang kaligayahan ay di na maari
Pinuno mo ng pasakit at pagtataksil ang isa
sanang magandang kwento na sanay tayong dalawa ang
nagmamayari
Akala ko noon ang pagsasawalang kibo at
pagpikit mata ay kakayanin ko pa
ngunit suko na ko sinta
Ang dating kulitan at tawanan
ay napalitan ng pait at galit.
Ang mga araw na dapat ay nagkakamustahan
ay napalitan
ng labis na katahimikan at di
pagkikibuan
Di ko na ata magagawang kumapit
dahil ikaw mismo ay di na mahagip
at tila ba ang buwan na kay init ay
naging malamig
Napagod na ako maniwala na
magbabago ka at bibigyan mo ako ng
halaga at lalo mong pinamukha sakin na
wala akong karapatang maging maligaya
na tila ba isang bagay iiwanan sapagkat
walang ng gamit
Naghintay ako ng kay tagal ngunit
Sabi mo nga ang salitang mahal ay di na maari
ngunit sa kabila ng lahat..
sasambitin ko na…
Salamat sa sakit at sa di pagpili
Salamat sa pagtapon ng ating mga alaala
Sa wakas ako’y napagod
na at tuluyang lilisan at itong ating kwento ay di na mauulit.