Paglisan

Nararamdaman ko ang nalalapit ko ng paglisan

Eto na ba ang katapusan?

Paanong ang walang hanggan ay umabot sa dulo?

 

Ang pangarap na sabay nating tinitingala ay ako na lang ang mag-isang aabot

Sa aking paglisan sana ay iyong maramdaman ang pangungulila sa ating dalawa

 

Labis na kalungkutan habang aking binibilang ang mga natitirang araw

Darating ang mga buwan na hindi na natin masisilayan ang isa’t isa

Hahanapin mo kaya ako sinta?

Gayon palagi mo na sinasabi na sanay ka ng mag-isa

Exit mobile version