Pagtakas Sa Mundo

Pagsuko

Sinundo ako ni Kamatayan,

Akala ko madaling takasan,

Nung nakita kong dumudugo na,

Ang pulso na hiniwa.

 

Nginitian nya ako,

Habang namimilipit sa sakit,

Isa raw ako sa mga bago,

Na nalulunod sa pait.

 

Naluluha ako,

Habang inaalala ang kahapon,

Na s’yang naglibing sa ako,

Para bang ako’y tinapon.

 

Hindi ako nagsisisi,

Takasan ang mundong ito,

Dahil nalalagot na ang pisi,

Ng sumukong sundalo.

 

Ako’y kanyang minamadali,

Upang makamit ang kaluluwang puno ng pighati,

Naghihintay na ang apoy,

Sa dagat ng walang hanggang panaghoy .

 

Paulit- ulit kong ginawa,

Paulit- ulit din syang natutuwa.

Sa balat ay naiwan ang marka,

Ang sugat na nagdulot ng luha.

 

Paano ko pipiliting huminga,

Kung mismong paghinga’y isang sumpa,

Paano ako lalaban pa,

Puno na ng sakit at luha

 

Unti- unting pumikit ang mga mata,

Kasabay ng pagtulo ng luha

Dala-dala ang alaala,

At mga salitang “ayaw ko na”.

Exit mobile version