Pahinga

Hindi ko alam kung bakit kita nagustuhan. Siguro dahil may mga ilang bagay na match tayo. Siguro dahil medyo may pagkakapareho tayo mag-isip. Siguro dahil connected yung tingin natin sa bagay-bagay. Siguro dahil sa kabilang banda, nagagawa nating maging masaya sa isa’t-isa.

Nagustuhan kita kahit na napakarami rin nating pagkakaiba. Tulad na lang ng ibang bagay na pinahahagalahan ko pero sayo, boring o dedma lang. Yung mga pagkakataon na nagkakaiba tayo ng interpretation sa mga pangyayari satin o sa paligid natin. Yung mga pagkakataon na nagkakaiba tayo kung pano natin ihandle ang isang sitwasyon.

Ang hirap tantiyahin. Ang hirap minsan intindihin. Hindi ko kasi alam kung yung pinapakita mo ay kasama na personality mo o baka naman yung pinapapakita mo ay depende lang sa importance nung tao.

Siguro nga tama sila. Kailangan ko ring timbangin yung mga panahong napapasaya mo ko sa mga panahong ikanalulungkot ko dahil sa pagpilit kong pag-unawa sa mga kinikilos mo. Sapat na siguro yung panahong nilaan ko para marealize na wala tong patutunguhan at isang alaalang dapat nang kalimutan.

Exit mobile version