Pait ng Nakaraan

Sa totoo lang hindi ko alam panu magsisimula
Kung panu ilalahad nararamdaman ko sa tula.
Tuwing naiisip ka ako’y nauutal na
Pagkat hindi sapat ang bawat salita na
naglalarawan kung gano mo nasaktan aking
nararamdaman.

Lumilipas na pala ang mga araw na wala ka
Unti unti ko ng natatanggap ang katotohanan,
Katotohanang wala na kong hihintayin
at walang ng saki’y babalik pa.

Kamusta kana kaya ngayon?
Minsan hindi parin maiwasang isipin kita.
Lalo na yung masasayang alaala nung tayo pa.
Yung mga pangako natin na habangbuhay sa isa’t isa.

Masakit tanggapin pero eto na.
Eto na yung tadhana na nagbigay katotohanan
na hindi tayo para isa’t isa.
Ayoko ng isipan pa dahil sa totoo lang
Sa tuwing naiisip kita nagkakaroon ako ng konti pag asa,
Sa kabila ng katotohanang wala na talaga…

Tapos na at hinding hindi na babalik pa.

Wala ka na.
Hindi na tayo para sa isa’t isa
Walang wagas na pagmamahal
lalo sa puso na naging isang hangal.

Published
Categorized as Move On

By jeanezee

Silence keeps me...

Exit mobile version