// PANAHON //

Saan, kailan, sino, kanino? Di naman sinabi na hanggang dito
Isa, dalawa, sampung taon na
Dumating na ang lahat, siya hindi pa
Nagkulang ba ako or talagang wala pa?

Sa gabing mag-isang pauwi, ako’y napaisip
Darating pa ba yung mga sandali
Yung mga gabing may susundo, may hahatid
Yung ‘di namn sana ulit yung aking kapatid =)

Bawat paglubog ng araw, nais kong ipakita sa kanya
Sana nga din makita ko din sya
Okay naman ako at sana okay din sya
Mas okay lang siguro pag kami’y mag-tagpo na

Hay nako, hanggang saan ba ‘to?
Ewan, hindi ko alam =/
Siguro nga meron talagang mga dahilan
Dahilan kung ba’t sa malamig na gabi, ako’y mag-isa’t wala pang katabi

Sa bawat sugat tila mag-isa munang babangon
Siguro nga kailangan ko pa talaga ng panahon
Panahon, panahon, pana-panahon
Di naman kasi de kahon

Baka di naman permanente at ngayon lang ang pagkakataon
Pagkakataong mamuhay mag-isa; mag-isang mamuhay para sa buhay ng iba
Sa iba, diba? Bago isipin ang kwento ni Adan at Eba
Baka nga ang panahon ko ay para sa iba muna

Panahong magmahal, mag-unawa, mag-isip para sa kapwa
Panahong sila muna; oo nga baka panahon muna
Kahit kasi anong pilit kong bilisan ito
Hindi talaga makakaila at hindi maitatago

Baka indak ng panahon ko ngayo’y talagang ganito
Kaya’t buong puso ko nalang sasayawan ‘to
Sa bawat luha at pagod; halakhak at iyak
Sige lang, isa pa..

Isang araw pa, at isa pang gabi
Isang buwan, isang taon muna
Habang lumilipas isa’t-isa; baka bukas o sa makalawa
Andiyan na siya at tamang panahon na

Published
Categorized as Poetry
Exit mobile version