Panahon at Pagkakataon

Sana may oras pa…

Madagdagan pa ng oras na makasama kita.

Kulang ang mga nakaw na sandali, ang mga halik sa labi, mga hawak sa aking pisngi, mga yakap na saglit.

Kulang pa, kulang pa.

Sa lahat ng gusto pang ipakita, ipadama at ibigay. Sa ikli ng panahon sana nadama mo lahat, ilikom ang mga matatamis na alala, pahalagahan kung ano ang natitira, at panghawakan kung ano satin dalawa ay mahalaga.

Tatandaan mo di ka magiisa, sasamahan kitang mahalin kahit malayo ka pa.

Talo tayo sa laban na parehas nating pinagsang-ayunan.

Kung maari lang sana makuha nating manalo sa pagkakataong mahanap natin, kung saan pang may paraan na pwede. Na pwede kitang piliin, pwedeng ipagsigawan lahat ng meron para sa atin na pwede din pala magmahal ng ganito, mabuo sa mga pala-isipan kung saan sasakto ang lahat ng sukat na nilalaan para sa ating dalawa ng hindi nabibigo.

Binuo mo ako.

Sana sa susunod na kabanata ng buhay na may magbago sa sulat ng tadhana, sana makita kita sa ibang panahon at pagkakataon, at duon kita pipiliin. Sa panahon sana lahat na ng ito ay maging atin. Panahon na pwede mo na din ako angkinin. Sambitin ang mga katagang pwede ka nang maging akin at ako’y sayo na din.

Salamat na nagkaroon ako ng ikaw, sa lahat ng wala ako.

Salamat sa lahat ng inukit mong mahirap makalimutan lahat ng itinatak mo sa isip at puso ko.

Hindi ito ang huli kundi ang simula ng mga plano ko kasama ang pinanghahawakan ko mula sayo.

Sa muling pagkikita. Mahal ko…

Exit mobile version