“Pandemya! Pag-Ibig”

Sa gitna ng pandemya ako’y nagising,
Ikaw na pala ang laman ng aking kasing-kasing,
Humahalakhak, ngumingiti, sing
Tamis ng pulot na pinatamis ng panahon,
Sa kalungkutan, ako’y iyong iniahon.
Ako’y gustong bukas ay kasama ka…
Sa screen na nagtatapyas ng kalungkutan,
China-chat ka!
Sending virtual kisses and hug!
Miss na kita!
Mga katagang inihahagis ng munting
Teknolohiya, para ipaglapit mundo nating magkalayo ngayong pandemya.
Sa video call nating dal’wa,
How I wish na katabi ka,
Yakap yakap, pinapadama na mahal ka
Napapawi man ang kalungkutan makita ka
Sa screen na may pintang ngiti sa iyong mga labi at mata,
Ngunit puso’y pinipintuho, ang nais ko ika’y na sa piling ko.
Sana matapos na ang pandemya!
Miss na kita! Nais na kitang makasama!

***I‘ve Written This Part Of My Soul For EJDC...

credits featured photo from: https://wallpaperaccess.com/sunrise-desktop

Exit mobile version