Para Kay Palangga

08-29-2021

Future Palangga,
Hi kumusta? Pasensya na at hindi ako nakapagsulat sa’yo ng mga iang araw dahil busy sa school. Palangga, alam mo kahit di pa kita nakikita, nakikilala o nararamdaman, ramdam kita at pinapanalangin ko sa diyos na matatag ang loob mo ngayong pandemya. Kung nasaan ka man ngayon o kung ano man ang iyong ginagawa. Palangga, habang sinusulat ko ito, pinapakinggan ko yung kanta ng Ben&Ben na Susi para habang sinusulat ko ito, nababawasan ang takot at pangamba na meron ako ngayon. Palangga, puno ako ng takot ngayon, hindi sa paligid ko kundi para sa sarili ko. Alam mo ba simula nung pumasok ako sa kolehiyo, ang hirap . Ang hirap pagkatiwalaan sarili ko sa mga bagay na akala ko magaling ako. Palangga, nasa punto ako ngayon na tinatanong kung para sa Engineering ba talaga ako? O ito ay hindi para sa akin? Palangga, natatakot ako.Sana idasal mo ako kay lord bigyan niya ako sapat na lakas at talino para magets ko ung mga lesson. Palangga itong pagkakataon na nangyayari sa akin, tinuturuan ako matuto at paano maging mapagkumbaba. Palangga, natutunan  ko na dapat di ka susuko pero pasensya na hindi ko maiwasan isipin na sumuko na. Palangga, dito ko lang talaga nakikita sarili ko na maging isang Engineer pero ang hirap eh 🙁 Kung nakikita lang kita o kilala, pahingi naman ng yakap kahit sa malayo o goodluck charm? Pero mas gusto ko na idasal mo ako kay Lord na matatapos ko ito. Na mananatili ang integrity ko kapag nag eexam ako. Higit sa lahat, idasal mo ako kay Lord na turuan niya ako matutong tumanggap ng pagkadapa at pagkabagsak at turuang bumangon muli. Palangga sususlatan ulit kita ha. I love u <3

Exit mobile version