Para sa marupok

Una sa lahat, hindi enough ang sagot na “mahal ko kasi eh” para mag stay ka sa isang relasyon. Hindi sa lahat ng oras pagmamahal ang sagot. Ang hirap kasi saatin kapag mahal natin isang suyo, isang sorry, isang yakap, isang halik, isang sabi nyang mahal ka  nya iikot nanaman yung mundo mo sa kanya. Mahal mo ulit ng sobra. Limot mo ulit na may galit ka sa kanya. Hindi mo ba naiisip yung sarili mo? Sinasaktan ka na ng tao. Alam niya kasing papatawarin mo kaagad siya kaya nagagawa ka niyang saktan ng ganyan. Alam niyang isang yakap niya sayo, wala nanaman yung tampo mo. Alam niyang isang halik lang sa  noo  mo, wala nanaman yung galit sa dibdib mo. Paano mo malalaman kung kailan ka bibitaw? Kung niloko ka nung una at inulit niya yun sa pangalawang pagkakataon, yun na yung mismong sapat na dahilan para bumitaw ka. Sapat na dahilan para bitawan mo na. Sapat na dahilan para mamili ka na ng isa. SARILI MO O SIYA. Sa unang beses na nagloko siya maaring hindi sinasadya perro sa pangalawang beses na ginawa niya ulit at pinatawad mo, doon palang talo ka na. Umasa kang magbabago siya, umasa kang hindi na uulit pa, pero ano naging desisyon niya? Diba hindi ikaw inisip niya? Kundi yung sariling kasiyahan niya, kaya ka niyang saktan dahil alam niyang hindi naman siya mawawalan. Kaya ka niyang saktan dahil alam naman niya paano ka balikan.

Kapag ipinagpatuloy mo pa, mawawala ka na. Kapag nag stay ka pa, talo ka na. Tandaan mo, hindi ka dinala ng nanay mo ng siyam na buwan para lang mag stay sa tao na wala namang pakealam. Nakadepende na kasi yung kasiyahan mo sa kanya. Masyado mong ibinigay sa kanya yung isang daang porsyento ng sarili mo. Hindi mo na mahanap hanap yung sarili mo dahil masyado kang nakatutok sa taong parati ka naman sinasaktan. Maiiyak ka nalang dahil kapag wala na yung taong yun. Hirap ka ng ibangon yung sarili mo. Tama na, ngumiti ka na at hayaan mo, ikaw na mismo ang kumawala. Masakit at iiyak ka sa una, pero hindi ka naman pababayaan ng Panginoon. Maganda ka at hindi ka dapat sinasaktan ng ganyan. Bitawan kahit masakit. Pag hindi na mag work wag nang ipilit, sa huli sayo lang naman lahat yung sakit. Huwag na maging marupok, huwag na hayaan ang sarili na masaktan. Deserve mong mahalin at alagaan. This time piliin mo naman yung sarili mo.

By Kiani Pascual

19. Live a little. Magmahal kung magmahal, kung nasaktan edi sulat ulit ng blog.

Exit mobile version