Para sa mga hindi OKAY.

PARA SA MGA HINDI OKAY.

Hindi madaling maging okay.
Mahirap maging okay agad after ng mabigat na pinagdaanan.
Pero sinusubukang maging okay ulit.
Kaya okay lang kahit hindi kapa okay ngayon.

Sobrang hirap ang maiwanan.
Pero mas sobrang hirap yung hindi mo parin natatanggap na iniwanan kana.
Napakasakit ang nawalan ng taong minamahal.
Pero sobra ang sakit kasi pakiramdam mo unti unti kana din nawawala.
Kasama ng pagkawala nya at pagalis nya sa buhay mo.
Kasabay ng paglaho at pagguho ng mga plano at pangarap nyo na magkasama nyong binuo.
Sobrang nakakaubos ng lakas ang lungkot.
Pero yung luha mo halos ayaw na tumigil at tila hindi nauubos.

Walang salitang magpapagaan sa sakit na nararamdaman mo.
Dahil kailangan mo lang ay yung taong naging dahilan kung bakit ka nasasaktan.
Walang sinoman ang makakapagpatahan sayo.
Kundi yung mismong tao na naging dahilan ng mga pagluha mo.
Yung pagtulog mo nalang ang naiisip mong paraan para hindi ka muna malungkot.
Pero hanggang sa panaginip mo sya parin ang gusto mong makita at makasama.

Mahirap, sobrang hirap tanggapin ang pagkawala nya.
Sobrang nakakapanibago ang magisa ulit.
Kasi nasanay kang nandyan lang sya at lagi mo syang kasama.
Sobrang nakakapanghina pag naaalala mo yung masasayang araw at sandali na kasama mo sya.
Na yun mismo ang nagiging dahilan ng sobrang kalungkutan na nararamdaman mo.
Na yung dating mga ngiti at tawa mo napalitan ng mga luha at lungkot.

Pero wala na sya, wala ng kayo, ikaw nalang ulit mag-isa.
Tinatanggap mo naman pero ang hirap.
Ang dami paring tanong na bakit at paano.
Ang daming tanong na hindi masagot at mahanap.
Pero wala ka nang magagawa.
Hindi na sya babalik sayo.
Hindi na babalik sa dati ang lahat.
Masasaktan, malulungkot, iiyak pero kailangan mong magpatuloy.
Kasi araw araw ka paring ginigising ng Diyos kaya kailangan mong bumangon.

Kaya kung nalulungkot ka, iiyak mo lang yan.
At hayaan mong mapagod ka kakaiyak at matuyo nalang ang mga luha mo.
Kung may gusto kang sabihin at wala kang masabihan.
Isulat mo nalang lahat ng yan.
Kung pakiramdam mo ikaw lang magisa.
Sanayin mong patahanin ang sarili mo.
Kung gusto mo magkwento pero walang nandyan para sayo.
Isama mo nalang lahat yun sa mga dasal mo.

Gawin mo lahat ng pwede mong pag libangan at ikakasaya mo.
Oo panandalian lang lahat ng yun.
Sandali kalang sasaya at tatawa.
Kasi maya maya malulungkot at maiiyak ka na naman..
Pero okay lang yun, kasi ganun na talaga siguro yun.
Part na ng sarili mo yun dahil nasaktan ka.
May mga araw talaga aatake yung emotional breakdowns mo at mawawalan kana ng gana sa buhay.
Minsan naman pakiramdam mo okay kana at nagsisimula ka na ulit mangarap at magplano na magisa.
Masasanay kadin hanggang sa magiging routine nalang yun para sayo.
Matatanggap mo din na pati happiness mo hindi nadin consistent pero parang wala nalang yun sayo.
Okay lang din kung pakiramdam mo nagpapanggap at pinapakita mo lang sa mga tao na okay kana.
Dahil dadating din yung araw na magiging okay kana talaga ulit.

At pag dumating ang araw na yun.
Wag mo din kalimutan ang mga taong hindi napagod maghintay sayo.
Hindi nagsawa na gawin ang lahat mapasaya kalang.
Hindi nagsawang magpayo at magpaalala sayo.
Hindi nainip sa mabagal mong pag-usad.
Oo sa ngayon pakiramdam mo wala kang kasama at kakampi sa laban na kinakaharap mo.
Pakiramdam mo walang nandyan para sayo.
Walang gustong makinig sa mga kwento mo.
Walang gustong sabayan at hayaan kang umiyak.
At higit sa lahat pakiramdam mo walang nagmamahal sayo.
Pero pakiramdam mo lang yun.
Kasi nasasaktan kapa.
Para kang bulag sa mga taong nandyan lang naman sayo simula palang.
Para kang bingi na walang pinapakinggan kasi mas naririnig mo yung sarili mong pagiyak.
Pero okay lang yun.
Kasi sigurado naman na naiintindihan ka nila.
Kaya pag okay kana, alalahanin at pasalamatan mo din sila.

Kaya wag ka mag-alala kung hindi kapa okay.
Kasi makakaalis kadin sa panahon na yan.
Unti-unti, mabagal, mahirap, nakakatakot, nakakapagod, nakakaubos.
Pero makakarating ka rin, malalampasan mo din.
Hindi man yun ngayon.
Hindi pa sa ngayon.
Pero magiging okay karin balang araw.
Mas patitibayin at mas magiging maingat.
Mas pahahalagahan mo ang puso at sarili mo.
Magsisimula ka ulit at magmamahal kang muli.
At higit sa lahat mahahanap mo na yung dahilan kung bakit nangyari itong lahat.

Kaya kung hindi ka okay ngayon.
Okay lang yun.
At okay lang naman hindi maging okay.
Dahil hindi ka nag-iisa.
Kaya wag kang mag-alala.
Magiging okay din tayo balang araw.😊

*Letter to my self. 🌻

By Rica

Hey you, Don't give up okay?

Leave a comment

Exit mobile version