Para sayo….

Para sayo na minahal ko ng husto, hindi ko alam bakit patuloy akong nalaban. Kahit alam kong wala namang patutunguhan. Lumalaban ako sa paraang alam kong baka pwede kong ikatalo.

Nakakaloko ka kasi. Sabi ko sa sarili ko, wag na.. okay na ko. Hindi ko na kailangan ng iba. Kuntento na ko na walang makakasama. Pero lahat nagbago noong dumating ka.

Yung puso kong sing tigas ng bato, napalambot mo. Yung seryoso kong mukha, napangiti mo. Lahat ng banat mo, pinakilig ako at bentang benta kahit medyo baduy.

Nabawi ko tuloy lahat ng sinabi ko. Yung standards ko na ala Great Wall of China, natibag mo. Lahat nabago..

Pati pananaw ko sa totoong pag-ibig na hinintay ko.

Kaso pagkatapos ng lahat ng yun, naglaho kang parang multo. Hindi ko alam pero naging marupok nga siguro ako.

Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo masaya ka kasama ako. Sabi mo wag kitang iiwan. Sabi mo …….Nagtiwala sa mga sabi-sabi mo. Sa mga bola mong akala mo may totoo…

Kaya ngayon ito muli ako, aayusin na naman yung pader na nasira mo. Ikakandado na muli ang pinto sa puso ko. Patitibayin na muli ang haligi sa buhay ko. Mahirap pero kakayanin ko. Kahit ang totoo, nahulog ako sa maling tao at umasa na maisasalba pa ito.

Salamat sa maikling panahon na naparamdam mo. Masarap pala magmahal kung talagang totoo. Kahit sumugal ako at natalo. At least natuto ako na hindi pala pa lahat ng kakatok pagbubuksan mo. Dapat may waiting area ka sa buhay mo. Para yung talagang desidido lang ang kayang makapaghintay sa gaya ko.

Exit mobile version