Patak ng Ulan!

Ulan ang naging saksi,

Sa aking kahilingan,

Dasal ko sa Maykapal,

Na ngayon ko lang naunawaan.

 

Bigla nangilid ang luha,

Kahilingang kay tagal,

Sa puso ko ay pinakatago,

Na ang katuparan ay ikaw!

 

Na ang dating lungkot,

Na dala ng bawat patak ng ulan,

Binigyan mo ng ngiting,

Mananatili habangbuhay…

 

Hindi ko inakala,

Basbas mula sa kalangitan

Na hindi na muling luluha,

Sa tuwing uulan ikaw ay hindi na mawawala!

Exit mobile version