Payong kaibigan lang…

Kung magturingan parang kayo, pero pagtinanong anong meron sainyo sasabihin niyo wala magkaibigan lang.
Kung masaktan parang kayo, pero wala namang label.
Kung magselos parang kayo, pero wala naman talagang official commitment.

Maraming nasasaktang puso kasi umaasa sa feelings na AKALA hanggang sa maiwan na NGANGA.
Maraming naiiwan sa ere kasi walang assurance at mga duwag sa commitment

Can we STOP THIS ANNOYING TREND?

Koyah, kung gusto mo talaga si girl magpakalalaki ka naman!
Hindi yung puro ka pasweet, palandi, pabola, paasa at paFall. Wag kang magpapakita ng motibo na nagbibigay ka ng oras sa kanya, feeling niya mahalaga siya, at higit sa lahat ang alam niya siya lang at ikaw na. You’re both looking for a Perfect Love hindi ung lust lang na yung kilig may expiration date. Si girl need niya ng clarity, wag mo pong gawing malabo please. Di porket naeenjoy niya ang night talks, sharing ng 3am thoughts, mga paghawak hawak mo sa siko at balikat eh okay lang, matuto kang manindigan bilang lalaki, itigil mo na ang kakaNinja Moves mo, itama mo na yan brad. Hulog na sayo si Girl tapos di ka naman pala ready sa commitment tapos madadagdagan na naman ang mga lahi ng pafall. Ang Falls maganda lang sa mga tourist spot hindi pangHabit. Ipursue mo siya sa tamang process, be mature! Man-up!

Ate Gerl, ikaw naman, so rupok! Hayyyy Girl, YOU ARE WORTH THE WAIT, ikaw ay dapat pinupursue hindi nalalagyan ng mga walang label na issue. Learn to resist bad things before it comes to worst! Nakakakilig oo, pero linawin niyo talaga. Magspeak up ka, “ano ba tong ginagawa nating dalawa?” Isipin mo halos 24/7 nagtatanong siya ng “Kamusta, kumaen ka na ba?” “Nu gawa mo?” Parang required ka sa daily reporting mo ng buhay sakanya. Tapos okay lang sayo na kapag tinanong kayo ng tao, ano bang meron sainyo sasabihin niyo “Friends lang” wag niyong sisihin ang mata ng ibang tao, kasi iba ung sinasabi niyo sa pinapakita niyo. Sakit nun, Friends lang pala! Edi kung friends lang matuto kayong umasta na friends lang talaga wala ng mga side dish pa. Isa pa gerl, hindi porket nabigyan ka lang ng Milktea siya na, kasi sisingilin karin niyan sa susunod tapos sa ending iiyak iyak ka kasi nasaktan ka, magmumove on ka kahit hindi kayo. Anubayun?

Maging responsible kayo sa feelings ng bawat isa. Please Guard your heart, protect the purity of it. Can we stop this annoying trend, NOW?!?

-sunflower

Leave a comment

Exit mobile version