Sa mundo ng kawalan kilala mo pa kaya ang iyong sarili. Madaming nawala sa mundo ngunit bakit ako na buhay ay parang naglaho nawala ang sarili ko. Nasaan nga ba ako? Hindi namalayan noong una akala’y isang hikbi lamang ngunit ng tumagal ay isa na palang agod ng luha. Madaming tanong sa kawalan ngunit asan nga ba ang kasagutan. Ito nga ba ay isang palaisipan lamang o tunay na nararamdaman. Ipikit ang iyong mga mata at bumalik sa alaala, ngunit sa pagmulat ng mata tila ang lahat ay naging mga luha na.
Huminga ng malalalim… at iyong sariwain mga nakaraang kay saya at walang problema, mga panahong masaya ka. Kaya ko pa ba? Masaya pa ba? Itutuloy ko ba?, mga karaninwang tanong sa sariling nawawala na. Nahihirapan sa kasalukuyang hindi alam ang patutunguhan, pero “Tara !!!” patuloy lang natin damahin ang masaklap na kasalukuyan.