Perks of Letting Go

Sa sandaling maramdaman mo ang sakit sa pag kapit, subukan mo namang bumitaw.

Dahil minsan, ang pananatili at pag pupumilit ay mas masakit pa sa panandaliang pag ayaw.

Sa paraang ito mo masusubok ang tatag at iyong pananampalataya na kung kayo talaga, gagawa ng paraan ang may Likha.

Kung kayo talaga, kahit ang lakbayin nyo pa ay milya milya, ibabalik Niya kayo sa piling ng bawat isa.

Kung kayo talaga, kahit mag kahiwalay man kayong mag lakbay, ang daan pa rin patungo sa pag babalik at ang pagtatagpo ninyong muli ang papawi ng lumbay

Kung kayo talaga, kahit masakit ay bumitaw ka muna.

Sundin ang Kaniyang habilin

Habulin mo muna ang pangarap mo sa panalangin

Sa paraan iyon mo muna siya ibigin

Kung kayo talaga, kahit masakit ay bumitaw ka muna.

Bitaw kapag sinabi Niyang bitaw

Ayaw kapag sinabi Niyang ayaw

Masakit mang gawin, mahirap mang sindun ngunit kung ito ang nararapat ay malalaman mo rin

Dahilan ng inyong pag lisan ay maiintindihan mo rin

Kung kayo talaga, kahit masakit ay bumitaw ka muna.

Kunin man sya sayo ng Panginoon sa panandaliang panahon, iyon ay sa kadahilahang ang oras ay hindi pa naaayon.

Kunin man sya sayo ng Panginoon sa panandaliang panahon, iyon ay sa kadahilanang ibabalik sya sa’yo sa tamang pag kakataon.

Ngunit sa ngayon, sundin mo muna ang utos ng Panginoon

Kung kayo talaga, kahit masakit ay bumitaw ka muna.

Mag layag mag-isa kahit nasasaktan ka na

Gawin ang utos Niya kahit sa tingin mo’y hindi kaya

Maging matatag at lakasan ang pananampalataya

Dahil sa ganitong paraan, mas lalago ka pa

At pag dumaating ng araw na inilaan, lahat ng pait at sakit ay mapapalitan ng saya at pag mamahalang walang hanggan

Kung kayo talaga, kahit masakit ay bumitaw ka muna.

Hayaan mo munang lumago kayo sa pananampalataya nang sa gayong pag dating ng takdang panahon ay maayos na at wasto sa kagustuhan ng Panginoon.

Kung kayo talaga, kahit masakit ay bumitaw ka muna.

Kung hindi naman at nakalaan sya sa iba

Hayaan mong ang Panginoon pa rin ang mag dikta

Sapagkat ang pag hihintay at iyong pag bitaw ay tiyak na hindi mapapanglaw

Malalaman mo rin balang araw ang dahilan kung bakit ka Niya pinabitaw.

Exit mobile version