Tatlong oras na naghihintay,
Ni-nerbyos na parang mamamatay.
Dalawang taon ang lumipas,
Makikita na rin kita sa wakas
Sa facebook unang nag-umpisa,
Ang ating mala-teleseryeng storya.
Unang kita ko pa lang sa profile mo,
Agad mo akong nabihag sinta ko.
Ting! May biglang tumunog,
Nakita ko ang pangalan mo.
You accepted my friend request,
And I thought I found my quest.
Nag wave ako sayo,
At doon na nagsimula ang kwento.
Lumipas ang isang taon,
Di ko na pinalampas ang pagkakataon.
Niyaya kitang lumabas,
“Busy pa ako sa work”, sabi mo pagkatapos.
Hanggang nasanay na ako,
Sa mga reasons mo,
Pero masaya ako sayo
Para tayong mag jowa, mahal ko.
Para nga akong baliw,
Sa boses mong nakakaaliw.
Alas dose na ng madaling araw,
Pero ito tayo sa bintana, nakadungaw.
Nag-uusap ng ating mga pangarap,
Na parang ikaw at ako ay magkaharap.
“Magkita na tayo”, sambit mo,
At ako’y napabalikwas sa sinabi mo.
Tuwang-tuwa ang puso ko,
Parang gusto ng sumabog sa kaiisip sayo.
Kaya sa araw na ito,
Tsokolate at rosas ay para sayo.
Namamanhid ang mga tuhod,
Ngunit napalitan ito ng ngiti,
Nang ikaw ay tuluyan ng lumapit.
Inabot ko sayo ang regalo ko,
Tiningnan mo lang ako,
At niyakap mo ng husto.
Hinawakan ko ang kamay mo,
Napabilis na naman ang pagtibok ng puso ko.
Ayaw ko ng matapos ang araw na ‘to,
Gustong kong sabihin sayo,
Na pwede ba, iuwi mo nalang ‘ko?
Pero bigla kang nagsalita,
“May sasabihin ako.”
Pero di kita pinagtapos,
Niyakap na lang kita bagkus.
“Kinukumpleto mo ako,
Kahit pagod na pagod na ako.
Binigyan mo ulit ako ng pag-asa,
At sa iyo ay patuloy na umaasa.
Alam kong di madali sayo,
Ang magmahal ulit ng todo-todo.
Pero binuksan ko ang puso ko,
At ikaw ay pinapasok ko.
Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko,
Kahit di madali, maghihintay ako.
Oo, mahal na mahal kita,
Gagawin ko lahat para tayo pa rin sa isa’t isa.”
Pero bigla mo akong tinulak,
“Hindi tayo pwede kasi, Bakla ako!”
Bigla kang tumakbo ka papalayo,
At ako’y natulala sa sinabi mo.
Puso ay nadurog ng husto,
Umuwi na ang mundo ay nawasak mo,
Ang doon nagtapos ang ating kwento.