Pinili ko Siya Ito ang huling liham, Ang katapusan ng unang pagsulat, Nagsimula sa pagsuko, Ngayo’y magtatapos sa paglayo. Pinili kita, Hiniling sa twina, Inisip na sa tamang panahon, Muli tayong magkikita. Pinili kita, Pinili kita, Sinasambit ng aking bibig, pinili kita, Ngunit may nanalo na, Pinili Niya ay iba. Maaari nga’ng humiling sa kalangitan, At ang puso ko’y ikaw ang sinisigaw. Ngunit ang tugon ng kalawakan, Hindi ikaw, Hindi ikaw, Bakit? Bakit hindi ikaw? Magpapatuloy ba ako sa pagluhod? Mananalangin at mag-aayuno? Kung sa kabila ng lahat ng ito, Ay ang pagsagot mo ng “Hindi” sa gusto ko. Sabihin mo, anong magagawa ng tao, Kung ang desisyon mo parin ang mananalo, Hihiling at maghihintay? Hihiling at maghihintay? Hihiling, maghihintay at tatanggapin ang lahat. Isa akong batang lumapit. Anak na nagnanais, Kasintahang duminig, Ngunit lingkod na tinuring. Ang puso ko ay tila nadurog, Sa pagsagot mo ng “Hindi” sa gusto ko, Narinig ko, narinig ko, sinabi mong “Hindi’ sa gusto ko, Narinig ko, narinig ko, sinabi mong “Hindi’ sa gusto ko, Ano ang aking gagawin? Maaari nga bang palitan ng “Oo” ang “Hindi”? “Hindi” sa naisin ko, At “Oo” sa plano mo. Nalalaman mo ang lahat, Ikaw ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap, Nalalaman mo ang pinakamainam, Batid mo ay tanging kabutihan. Nagsimula sa pagsuko, Ngayo’y magtatapos sa paglayo. “Hindi” sa naisin ko, At “Oo’ sa plano mo. Pinili kita, Pinili kita, Sa una’y pinili kita, Ngayon at bukas, pipiliin ko Siya.