PINILI KONG MAGHINTAY

Pinili kong maghintay kasi hindi pa klaro ang lahat,

Pinili kong maghintay kasi hindi pa tama ang lahat,

Pinili kong maghintay kasi hindi pa handa ang lahat,

Pinili kong maghintay kasi hindi pa oras ni God.

Pinili kong maghintay kasi ayaw ko ng mag-isip ng mga bagay na hindi naman importante.

Pinili kong maghintay kasi alam kong hindi masasayang ang lahat ng ‘to at naniniwala akong sa bawat araw na lumipas, sa bandang huli mayroong  IKAW at AKO.

By Sarah Jane Nacpil

A warrior who fights her battle through kneeling down before His Savior.

Exit mobile version