Pipiliin ka sa araw-araw

Noong araw
na nakilala kita
Mas pinili kong kausapin ka
Mas pinili kong
kilalanin ka ng lubos
At mas pinili kong magtiwala muli.
Kahit alam kong sa kabila ng mga
pinagdaan ko dati
mas pinili ko parin ulit muli ang magmahal.
Tinanggap ko ang lahat sayo
Ninais kong malaman ang mga kahinaan mo
Inusisa ang bawat detalye ng nakaraan mo
upang sa gayon ay hindi na maulit pa iyun sayo.
Dahil ang pag tanggap ay bagay na hindi ka katanggap tanggap ng ibang tao.
Dahil ang pag tanggap ko sayo ay sinyales na sapat ka at kamahal mahal ka,
Ni minsan kailanman ay hindi ka nagkulang,
Sapat ka para sakin kahit kulang ang tingin sayo ng iba.
Dahil hindi nakikita ang pag ka sapat ng isang tao
sa magarbong surpreresa ano man.
Dahil ang sapat ay makikita mo sa kung pano ka niya itrato, pasiyahin,
unawain, mahalin at piliin sa araw-araw
At iyon ang nakikita ko sa pagkatao mo.
Ang mahalin ka ay ang pagtanggap ko sayo ng buo,
Ang mahalin ka sa araw-araw ay katumbas sa lahat ng nga kahinaan mo.
Dahil nung araw na nakilala kita
Ay ‘yung araw na mas pinili kong manatili sayo,
Mas pinili kong tanggapin ka ng buo
Ikaw lang at wala ng hahanapin
Ikaw lang aking, sinta
Ang pipiliin ko sa araw-araw 💓

Jarian Felipe

Published
Categorized as Poetry

By Jarian Felipe

Sunset lover

Exit mobile version