PITONG TAON by: Angel May Franco (December 26, 2019-7:53PM)
Pitong taon ng makita ang iyong ngiti,
Pitong taon ng ako’y pakiligin.
Mga memoryang masarap balik-balikan,
Mga memoryang inosenteng pag-ibig ang mayroon.
Pitong taon ng makilala kita,
Isang inosenteng bata na may pag-mamahal.
Pitong taon ng makilala kita,
At sabihin sa aking sarili aantayin kita.
Sa paglipas ng pitong taon,
Sapat na gulang ay tumama
Ngunit, tamang panahon na nga ba?
Tamang oras na nga ba?
Pitong taon tila’y sapat,
Mga puso’y naging marupok.
Sa mga halik tayo’y nag-padala,
Mapusok na landas ating tinahak.
Masasayang oras ating sinulit,
Mga mata’y di mawaglit.
Sa mga matatamis na sandali,
Tayo’y nalulong, ngunit.
Ako’y napaisip, anu na nga ba tayo?
May tayo na nga ba?
O tayo ay nag-lalaro pa rin?
Anu na nga ba tayo?
Tila mga tanong sa aki’y gumugulo,
Puso’y nagsasabi ito’y baliwalain.
Unti-unti puso’y sumuko,
Mahal mo nga ba ako?
Luha ko’y pumatak ng ika’y sumagot,
KAIBIGAN! KAIBIGAN LAMANG!
Mundo ko’y bumagsak, ako’y nasaktan,
Pitong taon ay nasayang lahat.
DIYOS kong makapangyarihan,
Ako’y patawarin.
Sana ako’y nag-antay,
Ng puso’y di nasugatan.
DIYOS kong makapangyarihan,
Ako’y patawarin.
Sakit sa aki’y tanggalin,
Panginoon, pinauubaya sa iyo lahat.
Pitong taon, ako’y nag-antay,
Ngunit ito’y nasayang lamang.