#POKMARU

Alam mong di ka niya gusto,
Pero pinipilit mo parin sarili mo
Ginagamit ka na nga para makuha lang ang kanyang gusto
Ano ang tawag sa’yo?

Gabi-gabi chinachat ka
Pinapagod at pinupuyat ka
Payag ka naman kasi kailangan ka “daw” niya
Yun pala’y dalawa kayo na kinokontak nya
Ano ang tawag sa’yo?

Konting pabor, gawa agad.
Konting tawag, sulpot in an instant
Konting parinig, bibigay na
Konting arte, concern mo’y sobra-sobra
Ano ang tawag sa’yo?

Walang kayo pero nasasaktan ka
Walang kasiguraduhan pero ika’y asang-asa
Ginawang tanungan ng kung anu-ano, Google ka ba?
Ginawang tagapayo, Psychiatrist ka ba?
Ano ang tawag sa’yo?

‘Pag chinat, reply agad
Wala pang one minute, bilis makasulat
Alam nang tinatake-advantage, pero sa’yo ok lang
Pero lahat ng tao, ang tingin na sa’yo timang
Ano ang tawag sa’yo?

Pagkagising mo text or chat niya inaabangan
Samantalang sya’y tulog pa at walang pakialam
Naaalala ka lang niya tuwing siya ay “bored”
Tuwang-tuwa ka naman kahit seen lang ang kanyang sagot
Ano ang tawag sa’yo?

Umaasa na sana’y atensyon niya’y mabaling
Sa katulad mong matagal nang feelings ay kinikimkim
Na sana nga’y mauntog siya, magising at makita
Na ikaw lang ang totoong nandiyan para sa kanya
“Nagmamahal lang naman”, sabi mo
Pero tingin ng lahat ang tanga-tanga mo
Bakit kasi nagkagusto sa taong “pa-fall” at “paasa”
Ayan tuloy puso’y naging marupok na.

Saglit lang, nakalimutan ko…

Ano nga ulit ang tawag sa’yo?

Exit mobile version