Pinipigilan ko
Pilit na winawaglit sa isipan ang mukha mo
Ang iyong mga ngiti
Ningning ng ‘yong mga mata
At ang tuwa sa ‘yong mga labi
Nais kong burahin itong mga isipin
Mulat ako na ito’y isa lamang guni-guni
At hindi tila pag-asang naka-bitin
Mahirap ka abutin
Kahit na ako’y lapitan
Ay nagawa mo nang gawin
Ang tawagin pa aking ngalan
Ay nadinig ko na at inakalang may laman
Na may laban
Ganda at katalinuhan
Na paniguradong hanap mo
At hindi ang lampa’t may kabagalan
Na siyang taglay ko
Kaya’t pokus sa ‘yo
Ay nais nang maglaho
Lumipad palayo
At iwan itong pantasyang binuo
Ng isip lamang at munting damdamin para sa ‘yo.
*cover photo from Pinterest – @mieseyo