Panoorin mo ang pagpapalipad ko ng eroplanong sumisimbulo ng pagsuko at pagpapatawad.
Mga bagay na matagal kong kinuyom nang mahigpit sa aking mga palad.
Panoorin mo kung paano lumipad papalayo ang mga gabing walang humpay na iyak at pagsisi.
Mga desisyong sumira sa pangarap at tiwala sa sarili. Puting papel para sa tuluyang pagkawala ng mga ala-alang pilit yumayakap sa kailaliman ng gabi, heto na ako malaya sa dilim na dulot ng hapdi.
Hayaan mong tangayin ng hangin paitaas ang galit sa nanakit, tuluyan nang isuko sa Diyos lahat ng nararamdamang pait. Ang puting noo’y sumisimbulo sa luha kong ‘di mapatid,
ay ang puting sisimbulo sa pusong magmamahal parin ng puro—walang bahid.
Kasabay ng paglipad ng eroplanong puti ay ang pagsilay ng isang tunay na ngiting matagal ‘ding hindi nakita saking labi.
Puting eroplanong papel para sa pagsuko at pagpapatawad,
malaya ka nang lumipad.
-Ron Gulariza