PWEDE BA KONG MANLIGAW? MAY PAG-ASA BA AKO?

Open letter to every guy courting girls out there…

As a girl who experiences moments where guys would always ask “Pwede bang manligaw? May-pag-asa ba ko?”, until now, I’m still bothered with those very common questions. Hahaha. I also ask myself why.  Ewan ko. Pero as I observed and experienced, halos same lahat ang moves ng mga guys na tinangkang ligawan ako at ayun sad to say,  humantong sa open letter na to.

First of all, I salute you hahahaha charing pampagaan lang para di intense. Ewan ko. Siguro maraming magagalit sakin. Maraming disagree sakin. Maraming manghuhusga sakin pero I’m just expressing my opinions and God knows my heart I just want to help guys from a perspective of a girl.     I dunno but correct me if I’m wrong. Wala namang masamang magtanong kung pwede bang manligaw at all. Kasi in the first place, it’s really a respect to a girl asking permission, right? To know if its okay baka naman may boyfriend or what pero for me….for me lang ah. Wag kang magalit. Haha. For me, IT’S GETTING ASSURANCE WITH NO EFFORT AT ALL.

I dunno. Guys kasi would always ask you if pwede bang manligaw tapos tatanungin ka agad may pag-asa ba ko? Like hello, wala ka pa ngang ginagawa haha i mean, asking a salary to your boss or to the company na sa simula’t simula palang hindi ka naman nagtatrabaho at wala ka pang napatunayan. Well, on the other side, I get it when guys would explain na ‘syempre para hindi masayang effort mo’ like yes hindi naman kami sadista. Sasabihin at sasabihin namin kung wala talagang pag-asa atleast we saw that you’re persistent, consistent and all.

Eh ang kaso kasi umpisa palang, you’re getting assurance. Kasi for me, when a girl said yes na pwede kang manligaw para naring ang dating eh type ka din namin. Like syempre girls kami, likas samin ang pa hard-to-get. How will you taste the winning moment if there’s no challenge… pero depende kung crush ka talaga namin. Hahahaha joke lang. So ang pinagbubuntong hininga ko lang eh kung pwedeng maging proper ung statement ng isang guy asking a girl to court her. Yung mga statements sana na ganito…

“I like you. I am going to court you. I’m just letting you know.”

“Just give me a chance and I’ll prove my worth. Let me.”

Ganyan mga bes. Gandahan niyo naman. Chat or text na nga lang means of communication niyo eh. Artehan niyo naman. Hahaha. Diba? Atleast you gave a girl a notice. So, kung walang reply si ate girl, naread niya or seen then that’s it. SOMEHOW, SILENCE MEANS YES. Kung sinabi niyang, ‘Sorry, I’m not interested’ or ‘May boyfriend na ko.’ That’s the time na pause ka na dun. Respect pa din ang kaylangan. Mas maganda nga actions eh tapos sabayan niyo nang ganyan——may pasabi. Baka naman pursue ka ng pursue, clueless yung babae, wala din. Tulad ko, there’s this guy na nililigawan pala ako and I had no idea because he was like a brother to me.

So hindi ko binigyan ng malisya yung pagiging gentleman niya sakin and actually sa lahat naman. Then, there’s these big surprises every birthday ko. Again, I didn’t give any meaning to it kasi again, ganon din sa iba. And for the second time, ginawa niya ulit yun and that’s the time God revealed to me, he was courting me. With no confessions or notice at all, he did it on the third time. Diba? Ang hirap. Don’t forget to give notice. In the end, he didn’t say anything to me so how will I respond? So to cut the story short, ako nalang nagsalita. Tapos. Hahahaha. Again, don’t expect anything. JUST PROVE YOURSELF AND THAT’S IT.

Malalaman naman nang isang girl kung sincere and worth it naman diba. Effort lang talaga coz you’re the one pursuing.  I’m not saying this for me. And girls, kung alam niyo namang walang pag-asa, wag na pahopia. Gayahin niyo ko.

Pero ayun in the end, hindi naman talaga yun ang message ko. Ang message ko talaga ay, huwag nating galingang mangligaw. Galingan nating magpray and for being the right one. Before, I thought you must pray for the right one without even knowing that in the first place, you need to be the right one. Paano ba ko magiging okay? Paano ba magtatagal ang future relationship ko? Paano ba mag-stand out ang love ni Lord sa lovelife ko? Yun dapat. Wag sana umikot ang mundo natin for finding your partner kungdi umikot ang mundo natin for being the right one for Father’s glory. Pero ang tanong righteous ka nga ba? Kung sa umpisa palang, hindi mo naman kilala at tinanggap si Jesus, bilang your Lord and Saviour, wala din.

Kaya bro, simulan mo muna yung FIRST STEP FOR BEING THE RIGHT ONE.

Accept Jesus as your Lord and Saviour. Acknowledge that He is the only one Righteous and He made You righteous at the cross because He loves you so much. PUSO HINDI NGUSO. Read Romans 10:9. After that, simulan mo nang umattend consistently ng mga gatherings sa Church. BE A PART. BE A MEMBER. Pagamit ka sa Kanya. Ano bang talent meron ka? Ayun, maximize it! Always ponder sa mga Salita Niya everyday. Sa Youtube, sa Bible, preachings and all. Lakaran natin. Sasabihin ko sayo, unti unti kang babaguhin ni Lord and in the end, magugulat ka nalang, irereveal nalang ni Lord ang right one for you sa dulo.

Exit mobile version