Pwede Pala

Pwede palang mahulong ang loob mo sa isang taong nakilala mo lang sa maiksing panahon.

Pwede palang mawala yung hiya at maging komportable lang kahit magkausap pa lang kayo ng ilang minuto.

Pwede palang malaman mo yung mga bagay na kung anong nakakapagpasaya sa kanya at kung ano ring mga nagpapalungkot.

Pwede palang kahit yung mga paborito niyang ulam, damit, o mga musikero matatak sa isip mo.

Pwede palang sa ilang araw ng paguusap, bumuo ng pangarap na habang buhay mo siyang kasama sa piling mo.

Pero…

Pwede palang yung dating araw-araw na tawag, bilang na lang sa isang linggo.

Pwede palang yung dating ilang oras na pag-uusap, mauwi na lang sa ilang minuto.

Pwede palang yung dating hindi kayo maubusan ng pag-uusapan, ngayon puro paulit-ulit na lang na mga tanong.

Pwede palang yung dating nagsasabi kung nasaan na siya o anong ginagawa niya, ngayon hindi na makasagot sa mga mensahe mo.

Kasi…

Pwede palang dumating yung araw na magsawa na siya sa mga pag-uusap niyo.

Pwede palang hindi na niya kayang panindigan yung mga sinabi niya noon.

Pwede palang, sa isang iglap lang, mawala rin siya sa’yo.

Pero…

Pwede pala, kahit masakit, ang buhay ay ipagpatuloy.

Pwede pala, kahit wala na siya, tuloy pa rin ang ikot ng mundo.

Kasi…

Pwede palang, sa tunay na pag-ibig, maghintay ng payapa at nang walang gugulo…

Published
Categorized as Poetry

By Sarah Peralta

Pokmaru pero pilit na nag-i-improve hihi

Exit mobile version