Ramdam mo ba kung gaano kasakit?

Alam kong mahal niya ako pero mas pinili kita. Kahit ang hirap, kahit ang sakit at kahit sa tingin ko’y hindi pa tamang panahon dahil alam kong mahal kita.

Alam kong hindi tayo magkasintahan. “Walang label” ito may sabihin nila.

Ang sakit, kasi umasa akong susuyuin mo ako. Sa tingin ko, ako’y iyong gusto dahil nakikita ko naman sa mga galaw at effort mo. Sa tuwing sinasabi kong ikaw ay aking tipo, bigla mong tinutugon “kilalanin mo muna ako”.

Ilang oras, linggo at buwan din tayong nagsama, nang bigla ka nalang lumisan na hindi ko man lang alam ang dahilan. Nagtatanong sa sarili, Ano ba ang nagawa kong kasalanan? Ano ba ang dapat kung gawin para bumalik ka lang? Kulang pa ba na pinili kita?

Maraming tanong na hindi ko masagot. Iniiyak nalang lahat ng sakit sa bawat pag tulog. Gulong-gulo ang aking isipan. Bakit mo ba pinili akong iwan? Nais kong ikaw ay itext at tawagan ngunit pinipigilan ko ang aking nararamdaman. Palagi kong iniisip na babae ako at hindi ko dapat ugali ang umuna sa mga oras na ganito. Lalaki ka, dapat ikaw ang gumawa ng paraan upang mag usap tayo. Pero wala eh, nagpapatunay lang na hindi mo talaga ako gusto.

Dumaan ang mga araw, tinuruan ko ang aking sariling maging matatag. Hinayaan ko nalang ang lahat ng sakit na magwakas at huwag ng problemahin pa ang nakalipas.

Hiling ko lang na sana, huwag mong kakalimutan na minahal kita. Tinanggap kita kahit sino ka pa. Tanggap ko na, na hindi na talaga tayo para sa isa’t isa.

Salamat sa lahat ng masasayang panahong binigay mo sa akin. Ako’y natotong magmahal at ang sarili ko’y mas kilalanin. Kailanma’y mananatili ka sa aking puso’t isipan. Huwag kang mag-alala, hindi ako galit. Gusto lang ng Dios matuto tayo ng mga aral kaya tayo’y pinagsama’t pinag lapit.

Pinagdadasal ko sa Dios na ika’y maging matatag at masaya palagi.

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya. Alam kong may naka tadhana din para sa ating dalawa.

Leave a comment

Exit mobile version