Relationship status: Table for one but drinks for two

“Table for how many?” “For two, please.”

Sana ganon lang kadali, diba?

Pero hindi, kasi NBSB ako, Hindi naman pwedeng sabihin na hindi ko sinubukan.

I’ve tried to let people in, halos lahat ng taong nagyaya kumain sa labas tinanggap ko. Don;t get me wrong, pinapa-kain naman ako sa bahay namin ng mga magulang ko. Akala ko lang sila na kasi ang kasama ko sa “table for two” ko. Ang sarap kasi sabihin yung “Table for two please na hindi lang sa guni-guni. I have even lowered my standards and settled but I always end up getting hurt. Pagbayaran na ng bill, table for one na lang pala. Saklap, diba?

The guys that I have encountered, I’m not making a general statement here, are cowards. Akala ko nung una ipaglalaban ako, eh mas barako pa yung kape ko kaysa sa kanila eh. Some of the guys I’ve rejected  can’t accept rejection. Can’t a girl refuse to date you? Why does it have to end up with bitter feelings na mas mapait pa sa ampalaya? Yung iba naman, ang hilig sa attachment, ang hilig mag-demand, pero walang commitment.

I just wish people become more real now and not care what others will think about them. Sana hindi yung unang magkaroon ng feelings, yung uuwing talunan at luhaan. Sana wala na yung mga mahilig mag-manipulate or yung mga mahilig makipag-laro sa feelings ng ibang tao. I get it, lahat naman takot masaktan, sino bang hindi? Pero hindi ba nakaka-pagod? Nakaka-pagod magpanggap? Nakaka-pagod makipag-laro? Nakaka-pagod sa gulo ng Pilipinas?  Oo, kasi ako, pagod na.

Idadadagdag pa ba and love life sa mga hindi naman sana dapat pinoproblema? Dapat sana part ng life na ni-lolook forward yun kasi it makes you happy and inspired? Na mapapasabi ka ng “Thank God I’m alive”? Its one of the good things in life that we should not deprive ourselves with. Let’s be a part of  “table for two, please” in a world full of “table for one but drinks for two”.

Exit mobile version